Winston pov NAKATITIG lamang si Winston sa walang malay na si Sue na nakahiga sa hospital bed. Ang lahat na kanyang takot ay nawala nang makita niyang ligtas na ang asawa. Blessing ang pagkakaligtas ni Sue sa tama ng baril ayon sa doctor nito lalo pa at malapit sa puso ni Sue ang tama ng baril. Kaya naman ganun na lamang ang pasasalamat niya sa doctor na nag-opera kay Sue. Napatingin siya sa baril na inabot kanina sa kanya ng doctor. Nasa katawan daw iyon ni Sue. Sa kanya ang baril na iyon. Nakita siguro nito nang buksan nito ng kanyang drawer. Nilagay niya ang baril sa kanyang bewang. Kailangan niya iyon kung sakali man na balikan sila ni Angelo. Hindi siya dapat na maging kampante. Natitiyak niyang galit na galit sa kanya ngayon ang lalaki. Kanina pa siya nag-aabang ng

