Sue’s pov NAGULAT pa ang nanay ni Sue nang makita sila ni Winston na dumating. Alas tres sila ng hapon nakarating sa Bulacan. Nagtataka man ay hindi muna nagtanong ang kanyang ina kung bakit biglaan ang kanilang pag-uwi. Pagkatapos nilang kumain ni Winston ay naghihintay na ang kanyang Nanay sa kanyang paliwanag. Maging ang kanyang Tito Roy ay nag-aabang na rin. Si Winston ay hindi magawang magsalita. Mukhang itong kinakabahan. Maging siya ay kinakabahan rin. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki. Napansin ng kanyang mga magulang ang singsing na suot niya. Sinadya niyang makita ng Nanay Maylene ang kanilang kamay. Mabuti na lamang at naitago niya ang wedding ring na tinapon ni Winston nang minsang mag-away sila. “Kasal na kayo?” tanong sa kanila ng Nanay Maylene. Nanlalaki ang mga mata n

