Rafael’s pov NAPASIGAW na lamang si Rafael dahil sa kanyang katangahan. Hindi niya inakala na mapapansin siya ni Winston. Nakamasid lamang siya mula sa malayo sa mga ito at hindi niya napansin na pinagmamasdan pala siya ni Winston. Mabuti na lamang at natatapakpan ng sombrero ang kanyang mukha dahil kung hindi tiyak na namukhaan siya nito. Madadamay rin si Feonna dahil sa kanyang katangahan at ngayon mukhang masisigawan pa siya ng babae dahil nakalayo si Winston at Sue sa kanyang paningin. Masyado siyang naging kampate kay Winston. Mas hamak na malaki ang katawan sa kanya ng lalaki. Tiyak na hindi niya ito kakayanin kapag nag pang-abot sila. Minabuti niyang lumawas na lamang pauwi ng Manila at doon na lamang kausapin si Feonna, total ay wala na rin naman siyang magagaw

