Sue’s pov MINABUTING sumama ni Sue kay Winston sa bayan upang mamili sila ng mga pangangailan sa bahay. Isang linggo na rin sila sa rest house ni Winston at naubusan na sila ng stocks na pagkain. Maging mga de late ay naubos na rin nila. Bitbit nila ang malaking cooler ay nilagay nila iyon sa likuran ng kotse. Pareho sila nakasuot ng sumbrero at minabuti nilang magsuot na rin ng shades upang hindi kaagad sila makilala. Mabuti na iyong maingat. Mahirap na at baka nakatimbre na sila. Kailangan nilang mag-ingat sa lahat ng pagkakataon. Kailangan nilang mag-ingat hindi lamang kay Angelo kundi maging kay Feonna na rin. Hindi na lamang nakipagtalo si Sue kay Winston sa tuwing na nag-aalala ito kay Feonna. Ayaw niya nang pagmulan pa iyon ng away sa pagitan nila. Nagdududa p

