Blake’s pov KAAGAD na nakipagkita si Blake sa detective na inirekomenda sa kanya ni Hanz. Dapat ay kahapon pa sila magkikita nito pero hindi natuloy dahil kay Sue. Hindi ito makakilos kinaumagahan dahil sa hang-over kung kaya hindi niya magawang iwan ang babae. Pakiramdam niya ay obligasyon niya na rin itong alagaan. Hindi niya ito kayang iwan na miserable. Pagdating niya sa Starbucks kung saan ang meeting place nila ay kaagad niyang nakita ang detective na kausap. Kilala niya na ito dahil ipinadala sa kanya ni Hanz ang larawan nito. Ngumiti siya at nakipagkamay sa lalaki. “Blake Javier,” pakilala niya sa lalaki. “Detective Gio Herrera,” pakilala sa kanya ng lalaking kausap. Matipuno ang katawan ng kanyang kaharap. Nakaleather jacket ito. Sa tantiya niya magkasing-edad lamang sila. M

