Winston’s pov MATAGAL bago sinagot ni Feonna ang kanyang mga tanong. Bumalik ito sa upuan nito. Napansin niyang umiiyak ito na ikinagulat niya. Hindi niya maiwasang hindi magtaka sa ikinikilos ni Feonna. Mukha itong balisa. “May nasabi ba ako na masama?” tanong niya sa malambing na tinig. “Gusto mo ba malaman ang totoo?” tanong sa kanya ni Feonna. “Oo pero kung ayaw mo ay okay lang naman,” wika niya. “Gusto ko rin naman na malaman mo Winston. Ayokong itago sa’yo ang nakaraan na nakalimutan mo,” wika pa sa kanya ni Feonna. “Ayokong maging madamot,” dagdag pa nitong wika sa kanya. Nakatingin lang siya kay Feonna habang nagsasalita. Pinunasan nito ang luha na bumagsak. “Si Sue ay kapatid ko sa ama,” panimula ni Feonna sa kanya na kanyang ikinagulat. “Si Sue rin ang

