Sue’s pov WALANG NAGAWA si Sue nang ilayo siya ni Blake kay Winston. Hindi nalaman ni Winston na aalis na siya sa bahay nina Jerica at Acaly. Sinadya niyang ‘wag ipaalam sa lalaki upang hindi na siya nito makita. Kahit gusto niyang makasama si Winston ay hindi niya naman magawa. Tapos na ang lahat sa kanila. Ito na mismo ang tumapos sa kung anuman ang naging ugnayan nilang dalawa. Nangangamba rin siya sa kaligtasan niya kay Winston. Minsan na siya nitong niloko at ipinagkanulo. Hirap na rin siyang magtiwala ulit. Hindi siya pumayag na lumayo siya nang Manila tulad ng gusto ni Blake. Nagpahanap siya ng townhouse kay Blake at binili niya iyon. Kasama nila ng mga oras na iyon ang magkapatid na Acaly at Jerica, maging si Queen ay kasama rin nila. Alam niya na rin ang rela

