Winston pov HINDI MAPIGILANG hindi magalit ni Winston nang malaman niyang inilayo na ni Blake si Sue sa kanya. Sa gate pa lamang ay hinarang na siya ni Jerica at sinabing kinuha na ni Blake si Sue. Hindi niya rin mapigilan na hindi mainis kay Sue. Hindi man lang nito sinabi na babalik na ito kay Blake. Pakiramdam niya ay pinamukha siyang tanga ng babae. “Kahit pumasok ka pa sa loob ng bahay ay hindi mo na makikita si Sue. Kahapon pa siya kinuha ni Blake,” wika sa kanya ni Jerica. Niluwagan nito ang gate. Hindi niya sinagot ang babae at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay na akala mo ay bahay niya iyon. Nadatnan niya sa sala si Acaly. Hindi niya ito pinansin at dere-deretso siyang umakyat sa silid na ginagamit ni Sue. Pagbukas niya ay bakante na ang silid na ginamit ni Sue. Na

