Sue’s pov ANG lakas ng t***k nang puso ni Sue nang ihinto ni Rafael ang sasakyan nito sa tabi ng bahay ni Winston. Hindi niya alam ang gagawin kung bababa siya o hindi. Biglang binalot ng takot ang kanyang puso. Takot baka ipagkanulo na naman siya ng kanyang nararamdaman at bumigay na naman siya kay Winston. “Are you okay?” untag sa kanya ni Rafael kaya napatingin siya sa lalaki. Pilit ang ngiting ibinigay niya kay Rafael. “Yeah,” she answered. Lumabas ng sasakyan si Rafael upang pagbuksan siya ng pinto. Malaking backpack lamang ang kanyang dala. Importanteng mga bagay lamang ang kanyang dala. Pagbaba niya ay isinukbit niya sa likuran ang dalang bag. “Sige na dito na lang ako,” pagtataboy niya kay Rafael dahil hindi pa rin ito pumapasok sa sasakyan nito. Gusto pa yata

