Blake’s pov SA WAKAS ay nagbunga na rin ang pagsusubaybay niya kay Sue sa Bulacan. Akala niya ay hindi na ito hihiwalayan ni Rafael. Napag-alaman niyang Rafael ang pangalan ng bagong salta sa Angat Bulacan ayon na rin sa kanyang napagtanungan. Ang gusto niyang malaman ay kung ano ang relasyon ni Rafael kay Feonna. Kung pagmamasdan niya ng mabuti si Rafael ay hindi lang ito basta tauhan ni Feonna. Gwapo si Rafael. Sa tantiya niya ay kasing edad lamang ito ni Feonna. Hindi ito mukhang tauhan lamang lalo na sa pananamit nito. Mukha nga itong modelo kung titingnan mo. He looks like Ian Veneracion. Dagdagan pa sa gamit nitong sasakyan na hindi mabibili ng ordinaryong tao lamang. Mula sa Bulacan ay nakasunod siya sa sasakyan ni Rafael. Kinakabahan siya sa ikinikilos nito dahi

