Genelyn’s pov NAPABALIKWAS ng bangon si Genelyn nang magising siya kinaumagahan. Hubot-hubad siya sa sala kasama ang isang lalaki na kahit minsan ay hindi niya pa nakita. Sa pagkagulat niya ay naitulak niya ito sa sofa kung kaya ay nahulog ito. Napatakip siya nang mata ng makita niya ang hinaharap ng lalaki. “Sino ka?” sigaw niya sa lalaki. Napahawak ito sa balakang nito. Mukhang nasaktan ito sa pagkakatulak niya. Napangiwi ito. Shit! Binigay niya ang virginity niya sa lalaking hindi niya naman kilala? Mukhang may edad na ito sa kanya. Baka nga may asawa na ito at mga anak. Oh my God! Hiyaw ng kanyang isipan. Uupo sana sa tabi niya ang lalaki pero pinigilan niya ito. “Hu’wag kang lalapit sa akin! Magbihis ka!” sigaw niya. Inabot niya ang throw pillow at itinakip sa k

