Feonna’s pov MABUTI na lamang at naayos na ng dentista ang kanyang nasirang ngipin. Isang linggo rin siyang nagtiis na naka-facemask at maging ang humarap sa tao ay hindi niya magawa. Ang masakit ay bigla siyang nagkaroon ng denture na labis niyang ikinagagalit Kahit ano pang pagwawala ang kanyang gawin ay wala rin naman mangyayari. Walang mangayayari kung patuloy niyang ipaglalaban ang nawala niyang ngipin. Hindi niya rin magawang manatili nang matagal sa bahay ni Winston nang dahil sa kanyang itsura. Ayaw niyang maging kahiya-hiya sa mga mata ni Winston, kaya minabuti niyang manatila na lang muna sa bahay ni Rafael. Kahit paano kay Rafael ay panatag siya. Totoong Feonna siya kapag si Rafael ang kanyang kasama but everything was different. Ibang Rafael na ang kanyang kasama. Hindi

