--April-- NAKAHINGA SIYA ng maluwag dahil nakaalis na si Noah sa bahay nila. Mabuti na lang talaga at hindi ito nakita ng anak niya, mabilis kasi niyang inutusan ang anak na bumalik sa kwarto nila. Nakakahiya talaga kung sakaling makita siya ng anak niya may kasamang lalaki sa banyo at ayaw niya rin makita ito ng binata. Mas okay nang hindi magkita ang mga ito, ayaw na niya ng gulo lalo pa't may asawa na ang binata mas maigi nang hindi nito malaman ang tungkol sa anak nila. At kagaya ng napag-usapan nila ni Noah, kailangan niya pa rin puntahan ito sa penthouse nito. Kaya hinintay muna niyang makauwe ang magulang nya para may magbantay sa anak nya habang wala siya. At kagaya rin ng unang gabi niya sa penthouse ng binata, walang sawa siyang sinamba at pinaligaya ni Noah. Magdamag siy

