--Noah-- NANG MAGISING SIYA wala na si April sa tabi nya. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Naiiling na napapikit na lamang sya hanggang sa tumunog ang cellphone nya. Marahas siyang napabalikwas ng bangon at kinuha ang cellphone na nasa side table ng kama. Ang kanyang Ina ang tumatawag. "Yes why--?" walang buhay na wika nya at humiga uli. He put the loudspeaker on. "What do you mean YES WHY?--ang sabi mo 3 days ka lang diyan? You know, I need you here! And besides--nabalitaan ko na ang nangyare kay Everleigh..Oh god--such a disgrace! Matapos niyang magpakasarap at lustayin ang pera mo, anak--magpapabuntis lang siya iba!" tuloy-tuloy na lintanya ng kanyang Ina. He rolled his eyes and sighed. "Mom--stop calling me okay? Uuwe ako kung kelan ko gusto! Don't ever used that tone to me

