AFTER TWO YEARS “P-pasabunot niyang hinawakan ang aking buhok bago kinaladkad papasok ng kwarto, w-wala akong magawa kundi ang sumigaw at magmakaawa. “ t-tama na po masakit po, masakit po...” nakiusap ako! nanikluhod ako, ngunit hindi niya ako pinakinggan... pagdating sa loob ng kwarto ay pabalagbag niya akong binitiwan... h-hindi ko alam kung s-saan ako magtatago. Puno ng takot at pangamba ang aking puso ng mga sandaling ‘yon. Sampal, suntok at tadyak ang ginawa niya sa akin pakiramdam ko ay nabali na ang mga buto ko. Wala s’yang awa! Pagkatapos niya akong bugbugin ipinasok niya ako sa loob ng isang maliit na kabinet wala akong ibang makita kundi pawang kadiliman... Sinikap kong sumigaw ngunit halos wala ng tinig ang lumalabas mula sa aking lalamunan, isa, dalawa hanggang tatlong a

