Sofie POV Dumating na ang araw na kailangan kong pagbayaran ang mga kasalanang nagawa namin ni Safire, kung anuman ang maging hatol sa amin ay malugod kong tatanggapin. Wala akong ibang magawa kundi ang tumungo, naisin ko man na humingi ng tawad sa mga naging biktima ni Safire ay hindi ko magawa sapagkat silang lahat ay patay na. Matagal na panahon ko rin na inaasahan na mangyayari ito, kaya hindi na ako natatakot na makulong. Tanging awa ang nararamdaman ko sa babaeng nagmamakaawa sa aking harapan bakas sa kan’yang mukha ang labis na traumang inabot nito kay Safire, kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maalala kung ano ang mga nangyari noong mga panahon na nacontrol ni Safire ang aking katawan. Nakikita ko sa gilid ng aking paningin ang matalim na tinging ipinupukol sa akin ng ka

