Sofie POV “Sofie! Sofie...” Sa dalawang beses na pagtawag sa aking pangalan ay tila nabuhayan ako ng loob. Kilala ko ang boses na ‘yon. “S-Safire!? Ikaw ba yan? Tulungan mo ako ayoko na dito, parang awa mo na! Natatakot ako ang dilim dito, gusto ko ng makaalis dito Safire, Please tulungan mo ako...” ang pakiusap ko sa kan’ya habang patuloy sa pag-iyak. “Hindi mo na ba ako mahal Safire? Iiwan mo rin ba ako tulad nila?” Ang humihikbi kong wika. “ kung magagawa mo lang labanan ang iyong takot matutulungan kitang makaalis d’yan Sofie, mahal kita, hindi kita iiwan kailanman.” Dahil sa kan’yang mga sinabi ay tila nagkaroon ako ng ibayong lakas ng loob. Dahan dahan akong tumayo at nilakbay ang pinakamadilim na bahaging iyon nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may natanaw ako na isang

