Alexander POV Labis ang kasiyahang nararamdaman ko ng magising si Sofie ngunit sa pagmulat ng kan’yang mga mata at nang magtama ang aming paningin ay may tila hindi tama. Kilala ko ang mga matang matiim na nakatitig sa akin hindi ako pwedeng mag kamali. Ang dark brown niyang mga mata na kung tumitig ay tila sinusukatvang pinakamalalim na bahagi ng iyong pagkatao. “S-Safire?” Ang nanulas sa aking mga labi. “t-tubig please...”ang namamaos niyang wika nito sa akin kaya nagmamadali akong umalis sa kama para kumuha ng tubig. Bahagya kong itinaas ang ulo nito upang makainom ito ng maayos ng matapos ay inilapag ko ang baso sa lamesa na nasa gilid ng kama. Nabigla ako ng itaas nito ang dalawang kamay saka mahigpit ako nitong niyakap. Ginantihan ko ng mahigpit na yakap ang yakap niya sa akin

