After I left the airport, pumara ako ng taxi ngunit para umuwi muna sa amin at hindi kay Hans. Kailangan kong ipaalam kay mommy at daddy ang pinaggagagawa ni Ate Alex sa U.S. Nang nasa tapat na ako ng gate namin ay napabuntong hininga ako. Namimiss ko na rin kasi itong bahay namin lalo na si Daddy. Pagpasok ko sa loob ng gate ay nakita agad ako ni Rosa. Nagdidilig siya sa hardin na ngayon ay mas lalo pang namukadkad ang mga bulaklak. Palagi akong nakatambay dito dati habang nagbabasa ng libro. Napangiti ako. Lalapit sana ako para gulatin siya ngunit lumingon siya kaagad. And I miss Rosa too. “Ma’am Sandra?” Tila gulat pang saad niya. Kahit na magkamukha kami ni Ate Alex ay bilib pa rin ako sa kaniya dahil nakikilala niya ako at kung ano ang ipinagkaiba naming dalawa ni Ate Alex. P

