Yung dibdib ko halos mahulog na sa sobrang kabog. Parang naiisip ko na kung anong video o picture yun. Parang kinakabahan ko dahil alam ko na, meron talaga siyang maipapakita pero hindi ako yun. I know there is something in her. Alam kong ang mga katulad niyang babae ay hindi susuko hanggang sa magtagumpay siya para sa lalakeng gusto niya. Ganyan ang tingin ko sa Shiena na yun. Kinuha na sa akin ni Yolly ang maleta ko. Siya na ang humila nito at sabay na kaming naglakad. “Nandyan ba si Sir Hans nyo?” “Wala pa nga, Ma’am Alex. Hindi ba niya alam na ngayon ang uwi mo? Sa pagkakaalam ko ay sa penthouse siya naglalagi habang wala ka.” “Ganun ba.. kung ganun ay hindi pa siya umuuwi dito simula nung umalis ako?” “Oo. Ganun na nga.” Parang medyo nakahinga ako ng maayos dahil sa sinabi

