Chapter 17

2022 Words
__Sandra’s POV__ “Bakit sobrang sakit ng ulo ko..” reklamo ko ng magising ako. Hawak ko ang aking ulo. Gulo-gulo pa ang buhok ko na para bang ilang araw akong hindi naligo and this is not smells good. “Finally, you’re awake—“ Nagulat ako at napatingin sa nagsalita. Si Hans lang pala. Nakatayo siya habang nakasandal sa pader, magkakrus ang braso habang nakatingin sa akin. Shocks! Nakakahiya! Maisip ko pa lang ang hitsura ko ngayon ay parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa! “K-kanina ka pa ba dyan?” Nauutal pang tanong ko. “What do you think?” Sagot niya pa habang natatawa. Galit ba siya? O baka pinagtatawanan niya talaga ang hitsura ko sa kanyang isip! Shocks! Hindi ko kinaya! Kaya naman humiga ulit ako at nagtalukbong na lang ng kumot! Ewan ko! Bigla akong nakaramdam ng hiya para sa sarili ko. Never kasi akong nagkaganito. First time kong makalimot sa nangyari kagabi at first time ko rin magkaroon ng hangover. “Lasing na lasing ka kagabi. Bakit ka uminom kung hindi mo naman pala kayang maghandle ng alcohol?” “Teka? Sermon ba yan? Bakit mo kasi ako dinala sa club..” paungot na tugon ko habang nakanguso pa ako. Hindi naman kasi niya nakikita kaya okay lang. “You always go there every weekend before, I thought you missed it because you haven't been out for a few days,” he explained. Hays, ganun pala si Ate Alex dati. Ibig sabihin mataas ang tolerance niya sa alak. Kabaliktaran ko na naman. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay walang-wala akong kahit na sa kalingkingan niya. Ganito ba talaga ako kahina? Hindi na ako umimik. Ayaw ko na rin magpaliwanag ng side ko. Tamad talaga ako ngayon dahil parang binibiyak ang ulo ko. Ang tagal kong nakatalukbong. Namayani ang katahimikan sa paligid ko. Hindi ko na siya narinig pa. Umalis na kaya siya? Para makasigurado akong wala na siya ay dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakatabon sa mukha ko. Sinilip ko siya at nakahinga nga ako ng maluwag ng makita kong wala na siya sa pwesto niya kanina. Kahit sa buong silid ay wala rin siya. Sa wakas! Makakatayo na rin ako para maligo. Nagmamadali akong dumiretso sa banyo. Ngunit pagbukas ko ay daig ko pa ang nakakita ng multo! Gosh! He’s naked in front of me! At yung—at yung—my goodness! This is the first time na makakakita ako nang— Nanlaki ang mga mata ko. Tinakpan ko ito ngunit nakikita ko pa rin yung— Ay ano ba ‘to! Mabilis na akong tumalikod! Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko sa sobrang bilis ay aatakihin na ako sa puso! “Gulat na gulat?” Saad pa niya mula sa likuran ko! This time, mukhang hindi ko kayang magpanggap na sanay na akong makakita nun dahil hindi pa naman talaga! Nagmamadali akong bumalik sa pintuan para lumabas sana ngunit mas naging mabilis siya! Naharangan niya agad ako, mabilis niyang isinarado ang pintuan at ini-lock pa nga! My goodness! “Where do you think you’re going, hm?” Aniya habang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. “H-ha? Lalabas na muna ako. Mauna ka ng maligo—“ “Why? Pwede namang sabay tayong maligo like we used to do before, right?” My gosh! Ginagawa nila yun ni Ate? “H-ha? Ah—eh—hindi pa kasi ako pwedeng maligo. Kakagising ko lang. Sabi kasi ng mommy ko masama daw yun—“ “Really? Then we ask the doctor—“ “H-ha? Hindi na kailangan. Maliligo din naman ako pero mamaya na lang pagkatapos mo, ha?” “Tsk! Tsk! Tsk! No.. no.. no.. gusto ko sabay tayo.” Hala! Bakit ba ang kulit niya? Ayoko ngang maligo ng hubad kasama siya! Isa pa, wala pa ni isang nakakakita ng katawan ko! O M G! Anong gagawin ko? “Uhm, sige. Pero iinom muna ako ng tubig—“ alibi ko sana pero umiling siya. Bigla akong nalungkot ng hindi gumana! Pero hindi kasi pwede.. paano kung habang naliligo kami ayain niya ako—shocks! Hindi talaga pwede! “Hans please.. huwag muna ngayon, okay? Sobrang sakit talaga ng ulo ko eh. I think I need more water para mawala ito. Magpapagawa na rin ako ng carrot shake kay Ate Yolly. Malaking tulong yun sa hangover ko,” seryosong saad ko. Pagtingin ko ay nakatitig lang siya sa akin. Bigla ring naglaho ang mapaglarong ngiti sa labi niya and he looks really sad right now. Ngayon ko lang din napansin na nakatapis na pala siya ng tuwalya but still he is half-naked in front of me. “Do you still love me, Alex?” Bigla rin siyang sumeryoso. Mababanayad ang malungkot na tono mula sa boses niya. Ito na nga ba ang iniiwasan ko. Ang tanungin niya ako ng ganito dahil palagi akong tumatanggi. “O-ofcourse, Hans.. kaya lang—“ “Kaya lang ano?” Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko rin talaga alam ang paliwanag na sasabihin ko. “H-hans.. a-ano kasi—“ “f**k!” Nagulat ako ng bigla siyang sumuntok sa pader. Natigilan ako. Natulala ako at hindi makagalaw. Huling nakita ko na lang ay ang paglabas niya mula dito sa banyo. Galit ba siya? Oh My Gosh! Galit nga siya! Hays! Ikaw naman kasi Sandra! Pwede naman maligo kayo ng parehong nakadamit! —at sinisi ko pa nga ang sarili ko. Ang ending, ako na lang mag-isa ang naiwan sa banyo para maligo. Habang naliligo nga ako ay nag-iisip ako. Amoy suka rin itong buhok ko kaya naman kinuskos ko ng malala! Nakailang shampoo yata ako ng buhok ko bago ko nilagyan ng conditioner. And finally, tapos na rin akong maligo. Mabango na ulit ako at hindi na nakakasulasok ang amoy ng buhok ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sumilip pa ako sa labas dahil inisip ko pa rin na nag aabang lang siya sa labas, na baka pinauna niya lang akong maligo ngunit tila ba nadismaya ng makita kong wala na siya. Naglakad na ako papasok ng walk-in closet para magbihis na, at pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng silid para pumunta ng kitchen at makapagpagawa na ng carrot shake kay Yolly. Medyo naging maayos naman na ang pakiramdam ko kaya lang kumikirot pa rin ang ulo ko. “Yolly..” tawag ko rito. “Yes, Ma’am Alex?” Anito na agad lumapit sa akin. “Pasuyo ako. Pwedeng pakigawan mo ako ng carrot shake?” “C-carrot shake po?” Aniya. Inulit pa ang sinabi ko na tila ba hindi gaanong narinig ang sinabi ko. “Oo, gamot kasi yan sa hangover. Hintayin ko sa backyard, sa garden.” “Uh—okay, Ma’am.” “Thank you..” huling saad ko bago ako lumabas sa pintuan papuntang backyard. Umupo agad ako sa upuan na naririto. Kasya siguro ang apat dito pero ako lang mag-isa ang nakaupo. Napaisip naman ako kung saan nagpunta si Hans. Is he really upset with me? “Ma’am Alex, ito na ang carrot shake mo,” ani Yolly. Inilapag na niya sa table na metal at akmang aalis na sana. “Uhm, Yolly? Nakita mo ba si Sir Hans mo?” Tanong ko pa. Medyo napaisip rin naman siya na para bang hindi rin niya alam kung nasaan ito. “Sa tingin ko ay hindi pa siya nababa. Hindi ko pa rin siya nakikita simula kanina,” aniya. Napakunot naman ang noo ko. “Hindi pa siya bumababa?” “Yes, ma’am.” “Ganun ba..” “Bakit po, ma’am? Wala ba siya sa room nyo kanina?” “Nandun siya nung magising ako pero wala na siya pagkatapos kong maligo,” cut the scene na Hans became upset with me. “Ganun po ba.. baka nasa library po or nasa office niya sa third floor.” Napaisip ako. Ang dami ko pa palang hindi alam na lugar sa bahay na ‘to. Hinalo ko muna ang carrot shake gamit ang babasaging straw saka ako sumipsip. Narito ako sa garden. Magagandang bulaklak ang nakikita ko pero magulo pa rin ang isip ko. Ano kayang dapat kong gawin para hindi na siya magalit? Talaga bang nagalit siya dahil sa—hays! Ganun ba talaga ang mga lalake? Nagagalit kapag hindi napapagbigyan? Kung ganun, kapag pumayag na kaya ako sa gusto niya ay hindi na siya magagalit sa akin? “Ma’am Alex, sabi po ni Sir Hans. Puntahan mo daw siya sa library..” napatingin ako sa nagsalitang si Tintin. “Nasa library siya?” Ulit ko pa. Dun lang pala siya nagpunta, pinag-isip pa ako. Hindi ba’t galit siya? Bakit naman kaya niya ako pinapapunta dun? “Opo. Ang sabi pa bilisan nyo daw po.” “Galit ba siya?” “Parang medyo po? Nakakunot po kasi ang noo niya..” “Ganun ba. Sige. Ubusin ko lang itong carrot shake ko—“ “Naku, dun mo na lang po siguro ubusin yan. Sabi po kasi niya ay bilisan mo daw pumunta eh.” Napabuntong hininga ako. Wala na akong nagawa kundi buhatin ang carrot shake ko at naglakad na ako papasok ng bahay para puntahan siya. Pagkahatid sa akin ni Tintin sa library ni Hans ay nagpaalam na rin siya kaagad. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya naman dahan-dahan ko na itong binuksan. Hindi na ako kumatok dahil hindi naman na kailangan. “Ipinapatawag mo raw ako?” Bungad ko sa kanya. Preste siyang nakaupo habang may hawak na libro. Busy naman pala sa pagbaba pero ipinatawag pa ako. “Yes, have a seat,” sabi pa niya. Ang pormal niya naman yata ngayon? Parang hindi niya asawa ang kaharap niya, ah? Inayos ko ang upuan na nasa harapan ng table niya. Parang boss ko tuloy siya habang ako naman ay nag-aapply ng trabaho. “Ano palang dahilan? Bakit kailangan mo pa akong ipatawag at papuntahin dito? Akala ko ba ay galit ka sa akin?” Diretsahang mga tanong ko. Itiniklop niya ang librong binabasa niya. Ibinaba niya ito sa ibabaw ng lamesa. Inalis niya rin ang kanyang salamin sa mata at ipinatong naman iyon sa ibabaw ng libro saka prenteng umupo at tumitig sa akin. Sa ginawa niya ay ako naman ang napaiwas ng tingin. Bakit ganun? Bakit parang hindi ko na siya matingnan sa mga mata niya ngayon? “Galit?” “O-oo..” sagot ko sabay sulyap ko sa kanya pero mabilis ko ring iniiwas ang mga mata ko at ibinalik kunwari sa paligid. “Who said I was angry?” “Eh, k-kasi diba kanina—“ “Wala na yun sa akin. Nakalipas na yun. Hindi ako nagtatanim ng kahit na anong galit—“ “T-talaga? So, okay lang sa’yo na hindi kita pinagbigyan kanina—“ “What? What do you mean hindi pinagbigyan?” Nagulat ako ng bahagya siyang tumayo. Yumuko siya sa lamesa at halos ilapit na ang mukha niya sa akin. This time ay nakatitig na rin ako sa kanya. Eye to eye contact! “I-I mean, yung sa banyo—“ At dito, nanlaki na ang mga mata ko ng mas ilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Halos idikit na niya ang labi niya sa labi ko. “Do you still remember what you told me last night?” Mahina ang pagkakasabi niya. Sakto lang na kaming dalawa lang ang nakakarinig, pabulong na malumanay ang pagkakabigkas niya ng bawat salita. “H-huh? Sinabi? May sinabi ba ako? Wala akong maalala..” pagtanggi ko. Ako na ang kusang sumuko. Inilayo ko na ang mukha ko sa mukha niya dahil hindi ko na siya kinakaya. “Meron.. And I want you to remember that, Alex..” Napakunot ang noo ko. Natigilan din ako at pilit ko ng inaalala ang mga nangyari kagabi. Naging blangko na ang tingin ko at tanging nakikita ko na lang sa isipan ko ay kung paano niya ako binuhat papuntang kotse. “Ahh! Oo! Naalala ko na!” “Then tell me—“ “Nasukahan kita!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD