“Natulala ka naman agad. I’m just joking.. so, let’s go?” Aniya. Medyo kumalma ako at tumango na lang sa kanya.
Sabay kaming naglakad. Nakahawak pa siya sa bewang ko. Kahit naiilang ako ay hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.
Matapos ang halos trenta minutos na byahe ay nakarating din agad kami sa club na sinasabi niya. Pagpasok namin ay may kumaway agad sa kanya. Akala ko nga ay nag-iisa pero ng makita kong umupo na ito ay marami pala sila. Nakaupo silang lahat sa isang L-shape na sofa.
“Hi, Alex! Long time no see, ha. Talagang hindi mo na pinakawalan itong si Hans, ha,” tudyo sa akin nito. Hindi ko alam ang gagawin ko coz I don’t even know her. Bumeso siya kaya ganun na rin ang ginawa ko.
“Baka si Hans ang hindi na pinakawalan si Alex,” tudyo naman ng iba kay Hans. Wala namang silang nakuhang salita kay Hans at ngumisi lang ito.
“Here, have a sit,” wika nung isang lalake sabay turo sa tabi niya. Naglakad kami at dumiretso na ng upo. Sa pinakang dulo ako pinaupo ni Hans kaya naman wala akong katabi.
“Ayaw nyo ba sa VIP room?” Tanong ni Hans.
“Nope! Mas gusto ko dito. Pwede akong sumayaw kapag ginusto ko,” protesta ng isang babae. “Diba, Alex? I know na mas gusto mo rin dito, right?”
Nang marinig ko ang pangalan ni Ate Alex ay awtomatikong lumingon agad ako. Ngumiti ako sa babae at tumango.
“Of course!” Simpleng tugon ko. Mahirap na. Baka mahalata na nila ako. Okay na yung kahit papano ay makisabay ako sa kanila.
“See? Mas gusto ni Alex dito,” may pagmamalaking sabi pa nito sa mga narito.
“Tss! That was back then, but not now. She can't dance in the middle of the dance floor like she used to," said Hans.
“What? Ang kill joy mo naman, Hans. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkasama-sama, di porket asawa mo na pwede mo ng pagbawalan,” pagtatanggol pa rin nung babae. Tumingin nga sa akin sabay kindat. Para bang sinasabi niyang siya ang bahala sa akin.
Well, gusto ko rin ang sinabi ni Hans—ang pagbawalan akong sumayaw sa gitna ng dance floor. Wala rin naman akong balak na gawin yun.
Pansin kong halos lahat sila ay panay ang sulyap sa akin. Hindi ko alam kung sanay ba silang tahimik lang ang isang Alex o hindi.
Hay naku! Malamang hindi, Sandra!
“Oh, ano pang hinihintay natin? Let’s drink until the last drop!” Wika nila at kanya-kanyang pinagdikit ang gilid ng baso saka inisang lagok lang ang alak. Sila lang ang uminom dahil hindi ako binigyan ni Hans ng iinumin ko.
“Gosh! I miss this!”
“Yeah, me too!”
“Masyado na kasi kayong busy sa buhay nyo!”
“Yeah, right. Kami pa rin naman ‘to. Binago lang ng obligasyon..”
So, palagi pala silang ganito. Party-party. Hanging out at the bar. Masaya siguro ang life nila. Hindi kagaya ko. Ito pala ang buhay ni Ate Alex. Nagagawa niya ang lahat ng gusto niya.
“Teka.. teka—hindi ba umiinom si Alex?” Nagtatakang sabi nung babae.
“Oo nga nuh? Siya lang ang walang shot glass?”
Napansin pa pala nila yun?
“Don’t worry. I’m about to give her. Masyado lang kayong mabilis tumagay—“ si Hans ngunit nagsalita rin agad yung babae.
“Sus! Parang naninibago ako sa’yo, Alex. Takot ka na ba kay Hans ngayon?” Aniya at sinabayan pa ng tawanan ng mga kasama niya rito.
“Of course not. Medyo wala lang ako sa mood uminom ngayon, but don’t worry. Iinom rin ako.”
“Aba! Dapat lang. Mukhang masyado ka ng naiimpluwensyahan nitong si Hans sa pagka-Kill Joy, ha!”
“Tss!” Si Hans sabay lagok ulit sa alak na isinalin sa shot glass.
This time ay binigyan na nila ako ng alak. Nagsigurado na sila na iinom ako. Bago nga sila uminom ay pinauna na muna nila ako, and s**t! Gumuhit talaga ang init nito sa lalamunan ko. Muntik ng hindi maipinta ang mukha ko. Mabuti na lang at nakakuha agad ako ng tissue. Kunwari ay nagpunas ako pero ang totoo ay gusto ko lang itago ang hitsura ng mukha ko.
Sobrang tapang ng alak na ito. Hindi ako sanay uminom ng alak dahil palaging ladies drink lang ang iniinom ko. First shot pa lang pero pakiramdam ko ay namanhid na agad ang mukha ko.
“Shot pa! Uubusin natin ang lahat ng ito, guys..”
One shots!
Two shots!
Three shots!
Nung una ay nabibilang ko pa ngunit kalaunan ay hindi na. Hindi ko na alam kung nakailang shots na ba ako. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko. Ewan ko ba.. Aircon naman dito pero bakit pakiramdam ko ay sobrang init na.
“Come on, Alex! Let’s dance!” Aya sa akin ng babaeng kanina pa ako kinakausap pero hindi ko naman alam ang kanyang pangalan. Napatingin pa ako kay Hans ngunit hinila na niya ako.
“Don’t mind him. Sasayaw lang naman tayo,” aniya at dinala na nga niya ako sa dance floor.
Nagsimula na siyang sumayaw sa saliw ng musika. Napapalibutan na rin ako ng mga sumasayaw. Maganda rin ang tugtog kaya naman para akong na-engganyo. I don’t know how to dance before pero tila ba kusang gumagalaw ang katawan ko. Kaya naman unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at sinimulan ang paggiling. Pakiramdam ko ay para na akong lumulutang sa ulap. Epekto na rin siguro ito ng espiritu ng alak sa katawan ko.
—Hans Pov—
Napako ang tingin ko sa napakaganda kong asawa. I know na magaling siyang sumayaw pero ng makita ko kung paano siya sumayaw ngayon ay bakit parang may iba. The Alex I know is wild in the dance floor. Madalas niya akong hatakin at sayawan sa gitna. Pero ngayon, ang nakikita kong Alex ay napakamalumanay ng galaw. Nakapikit siya habang iginigilang ang malambot na balakang. Naiwan na siya sa gitna na tila ba hindi niya alam na mag-isa na lang siya.
“Alam mo kung hindi ko lang alam na si Alex yan, ibang tao na ang iisipin ko sa kanya,” rinig kong sabi ni Kulas. One of my classmates in college. Halos lahat naman ng kasama ko dito, kalimitan ay classmates ko. Iilan lang ang naging barkada ko, yung iba ay kilala lang ng pamilya namin ang pamilya nila. In short, kilala sa industriya.
“Kahit ako naninibago na rin kay Alex.”
“Well, that’s good pa rin naman. Lalo na kay Hans. Actually, mas gusto ko ang Alex na nakikita ko ngayon.”
Pinakikinggan ko lang sila. Nakikinig ako na hindi inaalis ang mga mata ko sa asawa ko. But then, I saw a man na papalapit sa kanya. Kaya naman mas mabilis pa sa alas kwatro ang aking pagtayo. Inilang hakbang ko lang ang kinaroroonan niya mula sa kinatatayuan ko.
“Don’t touch my wife!” Malakas na sigaw ko. Iniilag ko agad si Alex mula sa kamay nito.
“Okay, bro. I didn’t know that she has a husband. Mag-isa lang kasi siya sa dance floor. Tss!” Anito ngunit kita ko ang kakaibang sulyap niya kay Alex.
This man! Gusto yatang hindi na makapaglakad pauwi! Tss!
“M-may problema ba, Hans? Pangit ba ang naging pag-sayaw ko sa dance floor? I’m sorry, I’m just a little bit tipsy right now,” aniya. Humilig na sa akin kaya naman ang ginawa ko ay binuhat ko na siya.
“We need to go home—“
“Right now?” Si Kulas. Siya na lang yata ang naiwan rito. Ang iba ay pumunta na sa dance floor ng mapalitan ang tugtog.
“Yeah, hindi na kaya ng wife ko. Sabihin mo na lang sa kanila na kailangan ko ng umuwi.”
“Okay, bro.. Ingat!”
Binuhat ko si Alex hanggang sa makasakay na kami. This is the first time na binuhat ko siya na nakainom. Nakakapanibago rin na ang bilis niyang nalasing ngayon. But I’m happy.. siguro nga ay nagbago na siya. Hindi na dapat ako magtaka sa mga pagbabagong napapansin ko sa kanya.
“Hans.. Alam mo ba na may sikreto ako?” Bigla siyang nagsalita kaya naman kahit nagmamaniobra ako ng sasakyan ay naihinto ko.
“A secret?”
“Yes..” mabilis na response niya. Alam kong lasing siya. Kapag lasing ang babae, they talk a lot. Even their secrets ay nasasabi na nila. But knowing Alex? Never siyang magkukwento ng sikreto sa akin.
“Hans, I’m—I’m not—“
“You’re not what?”