“May problema ba? Bakit ang tahimik mo yatang masyado ngayon?”
Busy ako sa pagkain ng dragon fruit. Titig na titig rin ako sa pinapanood namin. Nagpasya na lang kasi kaming manood ng tv habang kumakain ng prutas na dinala niya kanina.
Napahinto ako sa pagkain ng dragon fruit. Ibinalik ko pa ang kalahati ng kinakain ko sa lagayan saka ako sumulyap sa kanya saka bahagyang ngumiti.
“P-problema? Wala, ah. Maganda kasi yung palabas,” sagot ko na lang.
Nakita ko naman ang biglang pagkunot ng noo niya sabay sulyap sa tv.
“Ganun ba? Eh, balita lang naman ang pinapanood natin, ah.”
“Oo. Interesting kayaaa…”
Hindi ko alam kung bakit natawa siya sabay gulo sa buhok ko. Nagkibit balikat na lang naman ako at muling kinain ang natira kong prutas kanina. Pero ang totoo ay nag-iisip talaga ako sa sinabi ni mommy kanina. Ang gulo-gulo talaga ng isip ko ngayon. Iniisip ko kung kelan babalik si Ate Alex. Iniisip ko rin ang company at lalong iniisip ko ay kung paano ko maiisalba ang sarili ko lalo na ang p********e ko na hindi nalalaman ni Hans. Kasi, hindi pa talaga ako handang ibigay ito sa taong hindi ko naman talaga asawa.
Kinagabihan, pagkatapos namin mag-dinner ay nauna na siyang pumasok sa loob ng kwarto. Nagpa-iwan kasi ako saglit dahil nakipagkwentuhan pa ako kina Ate Yolly.
Pag-akyat ko ay bahagyang nakabukas lang ang pintuan ng silid namin. At mula sa labas ay rinig na rinig ko na may kausap siya sa cellphone niya. Pumasok na ako ng diretso. Sumulyap naman siya sa akin pero ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap niya.
“Yes, of course. Pupunta ako. Kasama ko ang misis ko. Hindi naman pwedeng ako lang ang mag-eenjoy,” aniya sabay tawa habang nakatingin sa akin.
Umupo ako sa gilid ng kama habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. At hindi ko na namalayan na kakaiba na pala ang titig ko sa kanya. Para bang hindi ko na nakikita na nakatingin siya. Umangat pa ang mukha ko. Ipinatong ko ang hita ko sa isa ko pang hita. Hinagod ko ang katawan niya, mula ulo hanggang paa.
“Alex? Wifey?”
Hanggang sa marinig ko ang pagtawag niya na para bang hindi ko siya naririnig.
“W-what?” Gulat na gulat na sabi ko sabay pilig ng aking ulo para makabalik ang isip ko sa kasalukuyan.
“Are you out of this world?” Tila ba asar niya sa akin. Pinutol niya ang tawag at lumapit siya sa akin. Nakanganga pa nga ako ng umupo siya sa tabi ko.
“B-bakit?”
“I called you two times pero nakatulala ka lang at nakakatitig sa akin,” aniya na may halong ngiti at panliliit ng mga mata.
“H-ha? Hindi, ah. Nakikinig lang kasi ako sa usapan nyo kaya siguro hindi kita naririnig—“ he cut me off!
“Nakikinig? Really? O pinagnanasahan mo ang katawan ko? Hm?”
Alam ko naman na sa tingin niya ay mag-asawa na kami kaya hindi dapat ako ganito pero paano? Parang tama yata siya sa sinabi niya?
“Huy! Hindi kayaaa.”
He smirked.
“Ilang beses mo ng nakita ko but I like that behavior of yours right now, wifey.”
Wifey na rin ang tawag niya sa akin.
He’s going to kiss me!
We almost there!
Ringgg!
At biglang may tuwawag ulit sa phone niya.
“H-hans… may tumatawag!”
“It’s okay…” he said. Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan na niya ang maliit kong mukha. Alam mo yung sa laki ng palad niya ay sakop na sakop ng dalawang kamay niya ang aking mukha!
“N-naku, sagutin mo na muna. Baka kasi importante yan.”
“Nope… wala ng mas importante pa sa’yo, mahal ko..”
Shit!
He kissed me! Tuluyan ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ko alam. Dapat ay itutulak ko siya ngunit hindi ko alam na ang dapat na pagtulak ko ay naging paglapat ng palad ko sa dibdib niya, kasabay nito ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko.
Unti-unti niya akong inihiga sa kama. Gustong magprotesta ng katawan ko ngunit ayaw ng isip ko.
Hanggang sa naramdaman ko ang paghinto niya sa paghalik sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakatitig na siya sa akin. Nangungusap ang mga mata.
“B-bakit?” Nauutal na tanong ko ngunit ang boses ko ay parang pabulong lang. Ramdam na ramdam ko pa ang labi niya sa labi ko. Sa tindi ng paghalik niya pakiramdam ko ba ay namanhid ang labi ko.
“Get ready, we’re going to a party. Bumangon ka na habang kaya ko pa,” saad niya. Tila ba noon lang ako natauhan. Bumangon na akong bigla! Muntik pa nga akong mauntog sa kanya buti na lang at nakaalis agad siya sa ibabaw ko.
Hush! Muntikan na.
Nagtataka man ako sa inasal niya pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Baka kasi importante ang lakad namin kaya ito ang mas inuna niya. Salamat na rin at hindi niya itinuloy.
“Anong isusuot ko?” Walang ideyang tanong ko.
“Sa club ang punta natin.”
“C-club?” Gulat na gulat na saad ko.
I’ve never been in a club. Alam ko kasi na puro alak, sigarilyo, mga babae at lalake ang nagpupunta doon para mag-inom. Yung iba nga daw nagm-make out pa sa harapan ng iba!
“Why? Bakit parang gulat na gulat ka yata?”
“H-ha? Hindi naman. Hindi lang ako ready.” Alibi ko. Alam ko naman na palagi dun si Ate Alex at alam ko rin na hindi lingid sa kaalaman niya yun.
“Don’t worry, i’ll give you more time para makapag-ayos ka ng mabuti. I’ll wait you outside, okay?” Aniya. Lumapit sa akin at hinalikan ako sa aking noo. At ano pa nga ba? Edi napapikit na naman ako.
Ngumiti siya sa akin. Hinaplos niya rin ang buhok ko saka tuluyan ng lumabas. Pagkalabas na pagkalabas niya ay saka lang ako nakahinga ng maayos.
Dumiretso na ako sa walk-in closet. Sa mga dress ako pumili ng damit na isusuot ko. Sa totoo lang ay nahihirapan akong pumili. Lahat kasi ng dress at long gown ay magaganda.
“Hmm..” napahawak ako sa baba ko.
“Ito na lang siguro,” sabay hawak ko sa pinakasimpleng dress. Mahaba ito ngunit mahaba din ang slits.
Kinuha ko na at inalis na sa hanger. Itinapat ko pa sa aking sarili saka ko isinuot na.
Spaghetti strap. White dress. Simpleng-simple. Walang kahit na anong design. Humarap lang ako saglit sa vanity mirror ko. Naglagay ako ng light make up at hinayaan na nakalugay ang buhok ko.
Napangiti ako ng makita ko ang kabuuan ko sa salamin. Ang ganda.. parang hindi ako ang nakikita ko. Bago ako tuluyang umalis sa salamin ay pinicture-an ko pa ang sarili ko. Ipopost ko sana sa IG ko kaso hindi nga pala pwede!
Lumabas na lang ako ng kwarto. Nang pababa na nga ako sa hagdan ay nakita ko pang nag-aabang doon si Hans. At habang naglalakad nga ako paibaba ay talaga namang titig na titig siya at hindi man lang inaalis ang mga mata sa akin. Na para bang ngayon lang niya ako nakita gayong araw-araw naman kaming magkasama.
Nang tatlong hakbang na lang ako sa hagdan ay lumapit na siya. Inabot ang aking kamay saka ako inalalayan.
“You’re so beautiful tonight..” pagpuri niya sa akin. Konti lang naman ang blush on ko pero pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko, lalo na ang pisngi ko.
“Thank you, Hans..” nakangiting saad ko.
Hawak-hawak niya ang kamay ko. Hindi niya ako binibitawan hanggang sa makarating na kami sa kotse na sasakyan namin.
“Sa ayos mo ngayon. Parang ayaw ko ng pumunta sa party na yun at solohin na lang kita sa lugar na tayo lang dalawa..”
Sa sinabi niya ay naging sunod-sunod ang paglunok ko. Talaga bang gagawin niya yun?