Chapter 14

1320 Words
Medyo nakakaramdam ako ng pagkainip dito sa loob ng bahay. Nang matapos na kasi kaming kumain ay wala na ulit akong ginawa. Tutulong nga sana ako kahit papano sa gawain kagaya ng paghuhugas ng pinagkainan namin pero ayaw nila. Pumayag na nga daw akong sumabay sila sa pagkain tapos paghuhugasin pa daw nila ako ng plato. Sa totoo lang ay naging masaya ako kanina. Siguro kapag wala si Hans ay ganun na lang ang gagawin ko. Isasabay ko na lang sila palagi sa pagkain ko. Binuksan ko muna ang pintuan ng veranda at dito ako tumambay. Lumanghap ako ng sariwang hangin at pinuno ang aking baga. Iniikot ko ang aking mga mata sa paligid. Actually, maganda ang place ni Hans. Maaliwalas ang paligid dahil sa ilang puno na nagbibigay lilim sa lugar. Abala ako sa pagtingin sa paligid ng bigla naman mag-ring ang phone ko. I thought it was Hans pero pagtingin ko ay hindi pala. Si mommy pala ang tumatawag. Napaisip naman ako kung bakit. Pero para malaman ko nga ay dinampot ko na ang cellphone ko sa ibabaw ng round table at sinagot na ito. "Hello, mom..." "Are you busy?" Yun agad ang tanong niya. "Hindi naman po. Wala nga po akong magawa rito-" "Bakit ang tagal mong sagutin ang phone mo?" Mabilis na saad niya kahit hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko. Napakunot ang noo ko at nailayo ko rin bigla ang cellphone sa tapat ng tainga ko. Huminga ako ng malalim at muling inilapit ang cellphone sa tainga ko. "What is it, mom? May nangyari ba?" Kalmadong tanong ko pa rin. "Kamusta kayo ni Hans?" Bigla ay tanong niya. Nagtaka naman ako. Tumawag lang ba siya para itanong yun? Pero bakit pakiramdam ko ay parang may iba pang dahilan kaya siya tumawag? "Okay naman kami, mom." Matamlay ko ng sagot. Tila ba bigla akong nawalan ng ganang kausapin ang sarili kong ina. "Paano mo nasasabing okay kayo, gayong..." Napakunot naman ang noo ko kung bakit huminto siya sa pagsasalita. "What is it, mom? Sabihin mo na ng diretso." Saad ko na tila ba gusto ko ng tapusin ang usapan naming dalawa. "Hindi pa rin niya tuluyang ibinibigay ang ipinangako niyang tulong para sa kumpanya natin. Don't tell me hindi mo pa ibinibigay ang iyong-" at huminto na naman siya sa pagsasalita, ngunit nagpatuloy din agad, "Dahil sabi niya, may bagay pa daw siyang hindi nakukuha sa'yo-" "Mom?!" halos tumaas ang boses ko sa kabilang linya ng telepono. Hindi ko matanggap na tila ba parang ganun lang kadali kay mommy ang lahat gayong alam niya ar alam ko na nagpapanggap lang ako bilang Alex. "What? Hindi ba't obligasyon mo yan? At alam mong para sa kumpanya natin ang lahat ng gagawin mo para kay Hans!" Yeah, company...company... company... alam ko naman yun at hindi nakakalimutan pero nangako rin sila sa akin na ibabalik agad nila si Ate Alex bilang kapalit ng paglaya ko sa kasalang kinasadlakan ko ngayon. "Mom, baka po nakakalimutan nyo na hindi ako si Alex. Nagpakasal lang ako kay Hans para sa company pero hindi ko sinabing pati sarili ko ay isusuko ko rin kaagad. I have my own life, mom. What if ibigay ko ang sarili ko? And what if din po na bumalik na si Ate Alex, paano naman po ako, mom? Naiisip nyo rin po ba ako?" My voice almost broke. Halos hindi ko na nasambit ang huling salitang lumabas sa bibig ko. Bigla rin tumulo ang luha ko dahil nasasaktan ako. Anak din naman nila ako, ah. Ni minsan ba ay naisip rin nila ang kapakanan ko? Nangarap ako noon. I want to preserve myself to the one who I marry and to the one who I love. Ngunit hindi yata lahat ng pangarap at hiniling ay natutupad at tila ba kabaliktaran pa nito ang nangyayari. "Ah basta, Sandra! Napag-usapan na natin ito ng daddy mo. Alam mo ang kapalit ng ginawa mo! Kung hindi mo rin naman pala magagampanan ang pagiging si Alex, mas mabuti pang umalis ka na lang dyan at sabihin mo na kay Hans ang totoo!" Galit na saad ni mommy at mabilis na pinutol ang tawag. Sa puntong ito ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Isa pa. Nalulungkot ako dahil biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni mommy. Parang nung kasal ko lang ay sobrang bait pa niya... tapos ngayon... Inalis ko na lang ang pagkakatingin ko sa cellphone ko. Pinalis ko ang luhang namumutawi sa mga mata ko at humakbang na ako papasok ng kwarto. Ngunit natigilan ako ng makita kong narito si Hans sa likuran ko. "K-kanina ka pa ba dyan?" Nauutal na tanong ko. Dahil kung kanina pa siya dyan, malamang ay narinig niya ang pinag-usapan namin ni mommy! Oh! God! Is he caught me? "Hindi naman kakarating ko lang din. Hinanap agad kita kaya napadpad ako rito. Teka? Umiiyak ka ba? May naging problema ba simula nung umalis ako?" Nag-aalalang tanong niya. Lumapit agad siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi na medyo basa pa. "Hindi... hindi ako umiiyak. Medyo inantok lang ako, at naghikab kaya awtomatikong nangilid ang luha ko." Alibi ko. Habang pinipilit kong ngumiti sa harapan niya ay narito ang pag-aalala sa puso ko na baka nga narinig niya ako at ayaw niya lang aminin. Pero kung narinig nga niya baka ngayon ay galit na siya sa akin. "Ganun ba... kung inaantok ka, feel free naman na matulog ka. Let's go. Lumalamig na rito. Doon na tayo sa loob," pag-aya niya. Ipinatong pa ang braso sa balikat ko saka ako iginiya papaloob. Nang makapasok na kami ay inalis na niya ang pang-itaas niya. Bahagya pa nga akong napaiwas ng tingin ngunit inisip kong igala na lang ang tingin sa paligid para hindi niya mahalata. "You're too innocence," bigla ay saad niya. Napakunot naman ang noo ko at nagtaka kung bakit niya yun nasabi. "Bakit mo nasabi?" "Ha? Ang alin?" Maang-maangan pa niya. "Yung innocence?" "Ahh yun ba. Wala yun. May sumagi lang sa isipan ko," aniya. Hindi ko alam kung alibi ba niya yun o totoong may sumagi lang sa isipan niya kaya niya nabanggit ang salitang iyon. Nang makatapos na siyang magpalit ng damit ay inaya na niya ako paibaba. May binili daw siya para sa akin at yun ang nais kong alamin. "Hindi ka na raw nagtanghalian?" "Ah--oo eh. Ang dami ko kasing nakain nung almusal kaya ramdam kong busog pa ako." "Ganun ba. Binilhan nga pala kita ng iba't ibang klase ng prutas. I want you to eat more healthy para lagi kang malakas." "Salamat," saad ko saka ako ngumiti ng bahagya. "Binilhan nga rin pala kita ng dragon fruit. Diba gusto mo yun? Sabi mo kasi dati ay masarap ang lasa at maganda ang kulay." Napakagat akong bigla sa aking labi. Isa kasi yun sa mga prutas na ayaw ko dahil wala naman gaanong lasa. Pero dahil naisip kong yun ang gusto ni Ate Alex ay sumang-ayon na lang ako. "O-oo. Masarap nga yun. Nung nakaraan pa ako nagc-crave dun. Buti nakabili ka." "Of course. Hindi ko yata nakakalimutan ang mga gusto at paborito mo." Napangiti ako ng bahagya ngunit agad din namang naglaho ang ngiti. Dahil alam kong ang pagmamahal at pag-aalaga niya ay para kay Ate Alex lang talaga. "Oh? Ba't nalungkot ka yata? May nasabi ba akong masama?" "H-ha? Wala, ah. May naisip lang din ako. Pero wala na yun. Halika na. Kumain na tayo ng dragon fruit." "Ikaw lang. Coz I don't eat that. I preferred watermelon. Magpapahiwa na ako ng mga kakainin nating prutas para makakain na tayo." Muli kong nakagat ang aking ibabang labi dahil tila ba napahiya ako sa aking sinabi. Siya na alam ang lahat ng paborito ni Ate Alex ngunit ako, heto, parang nanghuhula lang sa lahat ng kinakain niya at sa hindi. Kung sundin ko na lang kaya ang payo ni mommy at sabihin na lang sa kanya ang totoo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD