"f**k! That's not what I meant!" Binitawan niya ako.
"Eh, ano? You asked who I really am, right?"
"Yes, but your answer is a given. You're my wife but why does it seem like every day I'm with you there's something different about you?"
Napalunok ako! Anong isasagot ko?
Mag-isip kang mabuti, Sandra!
"E-ewan ko sa'yo, Hans. Wala naman akong napapansin na kakaiba sa akin. Ikaw lang ang meron!"
Humalukipkip ako at naggalit-galitan. Wala na kasi akong maisip na isagot at gawin. Baka sakaling magbago ang naiisip niya at mapansin niyang nagagalit na rin ako.
"Before, hindi mo pinapansin ang painting na yan, pero ngayon..." bumuntong hininga siya at huminto sa pagsasalita.
Ano bang isasagot ko? Hmp!
"Uhm, ano kasi... wala naman bago sa mga paintings ngayon ni Clein kaya ito na lang ang pinili ko kahit na medyo matagal na ito at may pagkaluma na rin. Although, hindi ko gaanong type," kunwari lang.
"What? Hindi mo type? At luma na pa sa paningin mo?"
O M G! His reaction! Alam ko na agad na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"T-that's not what I meant, Hans. This is what I chose, so, please ignore it. Okay?" Medyo huminahon ako. Ganun din siya at tila yata hindi na matatapos ang kanyang buntong hininga.
"Hays... "I'm just a little disappointed that you didn't type that, but anyway, I'll just forget about it."
Really? He really that upset about what I said in this painting?
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik siya. Hindi niya ako kinakausap sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong hindi niya magustuhan o may nagawa akong mali. Mas mabuti pa nga yata na hindi na lang kami pumunta sa museo na yun, o mas okay yata na hindi na lang ito ang pinili kong painting.
Kinaumagahan.
"Goodmorning, Ma'am Alex." Bati sa akin ng mga maid. Nakahanda na rin ang umagahan sa lamesa pagbaba ko.
"Si Sir Hans nyo?" Tanong ko ng hindi ko siya makita sa hapag - kainan. Nasanay kasi ako na kapag wala na siya sa tabi ko ay naghihintay na siya rito at nakaupo na. Nagising kasi ako ng wala na rin siya sa tabi ko at kahit sa cr ay wala rin tao.
"Maagang umalis, ma'am. Ibinilin na lang po kayo sa amin na asikasuhin namin kayo. Hindi po ba nagpaalam sa'yo?" Ani Tina ngunit tinapik agad siya ni Daisy sa balikat.
"Hindi eh." Tipid na tugon ko. Bakit parang nagmukha akong tanga sa harapan nila dahil hindi ko alam kung saan nagpunta ang asawa ko?
(Ay talaga ba, Sandra? Asawa mo?)
Nais ko tuloy tampalin ang sarili kong bibig.
"Ganun po ba. Baka po ayaw kayong maistorbo sa pagtulog nyo kanina. Kain na po kayo, ma'am. Nakahanda na po ang pagkain nyo." Iginiya nila ako sa upuan. Ipinaghila pa nila ako at pinaupo ng maayos.
Pagkaupo ko ay napatitig ako sa iba't ibang klase ng almusal. May sunny side up egg, scramble egg, hotdog, tocino, longganisa. May porkchop at fried rice. Jusko! Tataba ako kung ganito lagi karami ang pagkain ko tuwing umaga!
"Ako lang mag-isa ang kakain?" Tanong ko sa kanila. Nandito kasi sila at nakabantay sa akin pero hindi naman sila kumakain. Nakatayo lang sila na para bang inaabangan kung kelan ako mabubulunan at aabutan ng tubig.
"Uh, opo, ma'am." Si Yolly.
"Malungkot kumain mag-isa. What if sabayan nyo na lang ako. Ang dami-daming pagkain, oh?" Alok ko sa kanila.
"Naku, Ma'am Alex. Hindi po pwede eh. Kakain na lang po kami pagkatapos mo."
"Hindi pwede. Sumabay na rin kayo sa akin. Sige na. Akong bahala." Ngumiti ako sa kanila bilang pagbibigay ng assurance. Nagtinginan pa talaga sila at hinihintay kung sino ang unang papayag.
"Sige na, Yolly. Kayo din, Daisy at Tina." Saad ko dahil sila pa lang ang medyo memorize ko ang pangalan.
"Sige na nga po..." sabay-sabay nilang pagpayag kaya naman natuwa ako. Para akong bata na pumapalakpak sa galak dahil lang sa sasabayan na nila akong kumain.
Imagine? Ang laki at ang haba ng lamesa. Ang dami rin ng pagkain. Tapos ako lang mag-isa ang uupo at kakain? At hindi ko rin kaya na nakabantay lang sila at nakatingin sa akin habang ako ay kumakain. I'm sure naman, nagugutom din sila.
Sarap na sarap sila sa pagkain. Kaya naman habang masaya silang kumakain ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ewan ko ba. Parang ang sarap kasi sa pakiramdam ng ganito na mabait silang lahat sa akin.
"Ma'am Alex, alam nyo po ang laki talaga ng ipinagbago nyo simula ng mapangasawa kayo ni Sir Hans."
"Huy! Ano ka ba?" Saway ni Yolly kay Tina.
"Ganun ba? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.
"Naku, Ma'am Alex. Hayaan mo na 'tong si Tina. Masyado lang talaga itong madaldal," ani Yolly na para bang ayaw ipatuloy ang sasabihin ni Tina.
Ngumiti naman ako.
"Ayos lang, Yolly. Open din naman ako sa mga opinyon at maari nyong sabihin tungkol sa akin. Mas gusto ko nga na nalalaman ko ang saloobin nyo tungkol sa akin."
"Ganun po ba..." ani Tina. Nailang na at parang ayaw ng magsalita dahil sinenyasan pa rin siya ni Yolly.
"Sige na. Sabihin nyo na. Hindi ako magagalit, promise!" Itinaas ko pa talaga ang aking kanang kamay.
"Kasi, Ma'am Alex. Dati po talaga ang sungit mo eh. Halos lahat nga kami takot lumapit sa'yo kapag hindi mo kami tinatawag o wala kang inuutos. Tsaka ito pong pagsabay namin sa pagkain, diba po ayaw nyo? Mas gusto mo pong kumain sa kwarto kapag wala si Sir Hans."
Sa sinabi niya ay ngayon ko lang napagtanto talaga ang kaibahan ng ugali ni Ate Alex at ako.
"Naku. Kalimutan nyo na sana yun. Gusto ko yung mga nangyari, kasungitan at kasamaan ng ugali ko noon ay kalimutan nyo na, okay? Magmula ngayon, huwag na kayong maiilang sa akin. All goods na tayo dito. Open ako sa inyo at open din kayo sa akin. Okay ba yun?"
Sa sinabi ko ay nagkatinginan silang lahat.
"Okay na okay po, Ma'am Alex!" At nakahinga ako ng maluwag sa naging response nila.
Sa ngayon, habang naririto ako. Ang gusto ko ay maging maayos muna ang lahat. Gusto kong kapag dumating na ang panahon na bumalik na si Ate Alex at kailangan ko ng umalis ay makapag-iwan ako aa kanila ng magandang imahe na palagi nilang maaalala sa akin dahil alam ko naman na hindi ako magiging permanente as Mrs. Hans Montesilva.
(HANS POV)
"Is that Alex?" Si Jude. My secretary at kasama ko na rin sa lahat ng bagay. Siya ang naging secretary ko dahil ayaw ni Alex ng babae ang maging secretary ko. Alex is so very strict before.
"Yeah," simpleng tugon ko dahil hindi ko rin alam ang isusunod kong words. Actually, I'm out of words right now.
"Hindi ba nabagok ang ulo niyan at nagka-amnesia?"
"Gago!"
"Bakit? Hindi ka ba nagtataka? "She's eating with your maids at the same table, bro!"
"Nakikita ko! Hindi ako bulag!"
Ini-open ko agad ang laptop ko pagkarating ko dito sa office. Nagpa-install ako ng cctv before na hindi alam ni Alex.
"Bro! Ipacheck up mo yan!" Asar pa niya sa akin. I gave him a death glare kaya tumahimik siya sa gilid ko.
"Actually, natutuwa ako. I think, nagbabago na siya."
"Pff! HAHAHAHA!"
At ang lakas ng itinawa ng kumag sa gilid ko.
"Jude?!"
"What?"
"Can't you just shup up?"
"Hay naku, Hans. Alam ko naman na maganda si Alex. Pero bukod sa mukha? Wala ng ibang maganda sa kanya lalo na ang ugali niya. Well, good for you kung talagang totoo ang pagbabago niya pero huwag kang masyadong umasa, bro!"
Alam ko naman na masungit si Alex. Masama ang ugali sa paningin ng iba pero mahal ko siya, mahal na mahal. At kahit na ano pang maging tingin nila sa kanya ay hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.