"Saan mo pala gustong pumunta?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho. This time ay hindi niya isinama ang driver niya. Dalawa lang talaga kami rito sa sasakyan at siya ang nagmaneho.
"Ikaw na ang bahala, Hans." Simpleng sagot ko at simpleng ngiti lang din ang itinugon ko sa kanya.
"How about sa favorite place mo?" He asked.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Heto na naman ako at hinuhulaan ang paboritong lugar ni Ate Alex.
"S-sige. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dun e," sabi ko na lang. Napansin ko naman na medyo napakunot ang noo niya pero hindi naman na siya nagsalita pa tungkol dun.
"Okay. Tatawagan ko lang si Clein."
Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko rin naman kilala ang Clein na sinasabi niya.
Hays... Saan kaya kami pupunta at sino si Clein? Friend kaya siya ni Ate Alex?
Nakarating kami sa isang malaking building. Dumiretso kami sa bilihan ng ticket. Akala ko nga ay ticket para sa sinehan pero hindi, nagkamali ako. Ticket pala sa isang museo.
"Hans! Long time no see, bro!" Wika ng lalake pagkapasok namin sa museo. Nag-fist bump pa talaga sila. And I think he is Clein na tinawagan ni Hans kanina.
Well, hindi maipagkakaila na mayaman din siya. Siya kaya ang may-ari ng museong ito?
"Kinasal ka na pala. Sayang at hindi ako nakapunta."
"Yeah, bro! But I know you're very busy."
"Hindi mo na talaga pinakawalan itong si Alex, ah! Hi Alex!" Sabay bati niya sa akin. I approached him with my hello. Nginitian ko rin siya ng bahagya.
"Let's go! Pasok na kayo. Marami akong bagong paintings ngayon," paanyaya pa niya.
Inakbayan ako ni Hans habang papasok. Kapag ganito ay hindi ko talaga maiwasang hindi mailang kaya napatingin ako sa balikat niya dahil nandun ang kamay niya.
So, ito pala ang favorite place ni Ate Alex? May ganitong side pala siya. Well, hindi ko na naman alam. Ang hirap din pala kapag hindi kayo sabay na lumaki ng kakambal mo. Ang dami mo talagang kailangang hulaan sa pag-uugali niya.
"You know what, Alex? Naninibago ako sa'yo," wika ni Clein habang nilalakad namin ang papasok sa pasilyo.
"H-ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kamay ni Hans sa balikat ko.
"Ang tahimik mo kasi ngayon. You know? You used to be talkative everytime na pumupunta ka dito." Kibit balikat na saad niya.
"Clein, she's tired. You know when she's tired. She became silent," ani Hans. Hindi ko alam kung ipinagtatanggol niya ako sa mga oras na 'to.
"Yeah, bro... Huwag mo naman kasing masyadong pagurin! Aba! Ay ihi na lang yata ang pahinga nitong si Alex sa'yo tapos binobosohan mo pa?"
"Tss! Just shut up bro! Mag-asawa ka na rin para maintindihan mo ako."
"Malabo pa bro. Ayaw ko pang magpatali."
"Nasasabi mo lang yan dahil wala ka pang nahahanap," patutsada ni Hans sabay ngisi.
Sa totoo lang ay natigilan ako dun sa una niyang sinabi. Ano ba yung ihi na lang ang pahinga? Ako na lang tuloy ang nahiya sa words niya. Ganyan ba talaga sila mag-usap? Nakikisabay kaya sa usapan nila si Ate Alex?
"We're here," ani Clein. Nakapasok na nga kami sa loob ng museo kung saan nakadisplay ang iba't ibang klase ng painting. This time ay humiwalay na ako kay Hans. Naglakad-lakad ako at isa-isa kong tinitigan ang bawat painting na nakikita ko.
Literal na napakagaganda at nakakakamangha ang mga obra maestrang naririto. Napapa-wow ako sa bawat nakikita ko at hindi ko mapigilang haplusin ito.
"May napili ka ba? Sabihin mo lang at bibilhin natin." Si Hans na hindi ko namalayan na nasa may gilid ko na pala.
"Uhm, wala pa naman. Lahat kasi sila ay magaganda. Wala akong tulak-kabigin."
"Really? Do you want me to buy all this paintings?" Sa sinabi niya ay biglang nanlaki ang mga mata ko!
"Ha? Naku, hindi! Hayaan mo na lang muna ako tumingin-tingin."
"Okay. Tell me If you like something, I'll buy it for you."
"S-sige."
Sa totoo lang ay kinabahan ako sa sinabi niya. Imagine? Hindi biro ang halaga ng mga painting na ito pero bibilhin niya lahat? Ganun ba talaga siya kayaman?
"Ano, bro? Wala pa bang napili itong si Alex?"
"Wala pa daw."
"Aba, himala yata. Dati, pagpasok niya palang dito ay may napili na agad siya."
"Maybe her taste has changed."
"Naku, bro! Delikado yan. Huwag sanang magbago ang taste niya pagdating sa'yo bro!"
"Tss! f**k you, Clein!"
Rinig na rinig ko ang usapan nila pero kung mag-usap sila ay parang wala ako rito. Nagtataka nga rin ako kung bakit walang ibang tao rito kundi kaming tatlo lang gayong sa ganda nito ay alam kong dudumugin ito ng mga tao.
Patuloy sila sa pag-aasaran, hanggang sa isang painting ang nakapukaw sa aking paningin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang painting! Actually, familiar pa nga sa akin ang lugar na nasa painting!
Kinuha ko ito sa pagkakasabit. Dinala ko ito at lumapit ako sa dalawang taong nag-aasaran pa rin hanggang ngayon.
Nang makita nila akong may hawak na painting ay doon lang sila huminto sa pag-aasaran nila. Napansin kong natigilan at nagkatinginan silang dalawa.
"May napili na ako." Sambit ko pa.
"Bro..." ani Clein na tila ba naumid.
Si Hans naman ay hindi rin makapagsalita at titig na titig lang sa painting na hawak ko.
"B-bakit? Pangit ba ang napili ko? Ayaw mo ba? Sige, ibabalik ko na lang--" kinakabahang saad ko. Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong pigilan.
"Sandali..." aniya. Hinawakan pa niya ako sa braso at muling iniharap sa kanilang dalawa.
Kinuha niya ang painting sa pagkakahawak ko. Hindi siya makapaniwalang tumingin pa kay Clein.
"That's yours for free, Alex," ani Clein. Naguluhan naman akong bigla.
"Free? Naku, huwag na. Nakakahiya naman. Baka malugi ka."
"Malugi? Nope! Free ko lang din yan naisabit dyan. Actually, iginuhit yan ng isa sa mga kaibigan ko. Libangan niya lang yan at sinubukan niya kung may makakapansin ba ng obra maestra niya. Actually, ilan taon na yan dyan pero ikaw pa lang ang kauna-unahan na nakapansin niyan at balak mo pang bilhin."
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang saad ko.
"Malalim ang pinanggalingan at pinaghugutan ng painting na yan. Nothing special sa place pero sobrang special sa taong gumuhit ang lugar at ang babaeng naririyan." Kwento pa ni Clein na para bang kilala niya kung sino ang gumawa ng painting na yun.
Nothing special nga sa place. Nasa park kasi ang location. May isang babae lang na nakatalikod habang nagduduyan at nililipad ang buhok ng malakas na hangin. Mag-isa lang siya at walang kasama ngunit tila ba masaya siya sa ginagawa niya. Sobrang pamilyar talaga ang scene na yan para sa akin. It feels like, nagawa ko na siya before. Pero imposibleng ako naman yan dahil marami namang nagduduyan sa park na yan.
"Oh, pano, Clein? Ayaw ko ng tumingin sa iba pang painting dahil baka may magustuhan na naman ako at ibigay mo ng free lang! Naku! Malulugi ka na talaga niyan!"
"No problem, Alex. Kahit ilan pa walang problema."
Binalot na nila sa lumang dyaryo ang painting at inilagay sa mamahaling paper bag din na may tatak pa ng mismong picture at pangalan ng museo nila.
"Bakit ang painting na yan ang napili mo? Marami namang magagandang painting dun, ah?" Si Hans na ngayon lang nagsalita ulit. Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan. Hindi man lang nga siya nakapagpaalam ng maayos kay Clein. Naisip ko tuloy na parang may mali sa nakuha kong painting.
"Maganda siya. Simple lang pero mukhang special ang lugar na iyon sa gumuhit. And the girl in the painting. Mukhang napaka-special din niya sa taong gumuhit."
"What else?"
Napakunot ang noo ko. Bakit kailangan pa ng maraming explanasyon? Hindi ba pwedeng nagandahan lang ako kaya ko pinili? Pero ang totoo kasi ay naging special din sa akin ang dating ng painting.
"Uhm, it reminds me din nung mag-isa lang ako sa park. Nagduduyan ako. Wala akong kasama at pakiramdam ko ay walang nagmamahal sa akin. Meaning. That painting is remind me of myself, Hans."
Nagulat ako ng biglang huminto ang sasakyan niya! As bigla siyang nagpreno ng walang pasabi man lang!
"Hans, ano ba? Bakit bigla-bigla ka na lang pumipreno?!" Gilalas ko. Ang puso ko ay parang tinatambol dahil sa kaba!
Tumingin siyang bigla sa akin at hinawakan niya ang batok ko. Inilapit niya sa kanya ang mukha ko at pinakatitigan ako sa mga mata ko!
"Who are you really, Alex?"
"I--I'm your wife, remember?" Sagot ng mga naubusan kung anong sasabihin.