"I... I... I'm so... sorry, Hans. H-hindi pa ako handa." Nanginginig ang boses na sabi ko. Wala na akong pakialam kung anong isipin niya. Kung paghinalaan niya ako o hindi pero sa tingin ko ay hindi naman niya gagawin yun dahil hindi niya naman alam na kay kakambal si Ate Alex. Bahagya ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko. Bumangon ako at tumayo saka lumabas ng kwarto ng walang lingon-lingon sa kanya. A-akala ko ay kaya ko na. Akala ko ay kaya ko ng isakripisyo ang lahat pero hindi pa pala. Hindi ko pa pala kayang ibigay ang aking sarili ng buong-buo. Hindi pala ganun kadali ang lahat. Lumabas ako ng tuluyan hanggang sa makarating ako sa gilid ng swimming pool. Lumanghap ako ng sariwang hangin na tila ba ngayon lang ako nakahinga ng maayos simula ng lumabas ako sa silid na iyon.

