Umalis na ulit si Hans. Mabuti na lang talaga at narito siya ng pumunta ang babaeng yun, pero ilan pa kayang babae ang makikilala kong naging karelasyon niya? Ang hirap naman maging si Ate Alex! Hays! Nag-stay ako sa living room. Dito na lang ako naglibang at nanood ng tv. "Ma'am juice po," ani Tina. Inilagay sa center table kahit hindi naman ako humihingi nito. "Thanks, Tina." Nakangiting saad ko. Sumulyap lang ako sa kanya saglit at ibinalik ko rin kaagad ang mga mata ko sa tv. "Grabe po si Ma'am Shiena, nuh? Hindi makamove on kay Sir Hans..." ani Tina. Kung gayon ay kilala rin nila yun. "Matagal ba silang naging magkarelasyon?" Tanong ko na bilang si Sandra. "Uhh--ehh--hindi nyo po ba alam? Magpapakasal na sana sila pero mas pinili kang pakasalan ni Sir Hans?" May pagtataka

