Nang magising ako kinaumagahan ay narito na ako sa aming kwarto pero wala naman akong matanda kung paano ako napunta rito. Sa pagkakatanda ko kasi ay naroon kami sa theater room at nanonood ng movie. Wala na si Hans sa tabi ko kaya naman bumangon na ako at dumiretso na ng cr para magtoothbrush at maghilamos. Pagkatapos ko naman ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa baba. "Goodmorning po, Ma'am Alex..." bati sa akin ng ibang maid. Kanya-kanya sila ng ginagawa. Binati ko rin naman sila ngunit iba ang hinahanap ng mga mata ko. "Si Sir Hans nyo?" Tanong ko sa kanila. Bigla namang lumapit sa akin si Yolly. "Maaga pong umalis, Ma'am Alex. Sabi nga po niya ay huwag kang istorbohin para makapagpahinga ka ng mahaba." Kwento niya. "Ganun ba..." tipid na naitugon ko. Ewan ko, pero par

