Chapter 8

1502 Words
Unti-unti na akong lumulubog sa tubig. Kahit na anong kampay ng paa't kamay ko ay parang walang epekto para lumutang ako. This was the second scariest moment of my life, When my sister drowned me in the swimming pool when we were kids. Halos maabot na ng paa ko ang ilalim ng pool. I was almost out of breath, nang may marinig akong tumalon sa pool. Ramdam ko ang paghawak niya sa akin habang ini-aangat ako mula sa ilalim. "f**k! What did you do, Krisianna!" Malutong na mura niya. So, yun pala ang pangalan ng babaeng nagdala sa akin sa pool. Ramdam kong inihiga niya ako hanggang sa naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. "Breath, Alex! Breath!" Sabi niya habang pina-pump niya ang dibdib ko. May malay ako, sadyang nahirapan na lang akong huminga sa ilalim ng tubig. "Ohh! Thank God!" Rinig kong sabi niya ng mabawi ko ang aking paghinga. Nagbuga rin ako ng tubig ng pool na halos mapuno na ang baga ko kanina. Nanghihina ako. Halos hindi rin ako makapagsalita at medyo malabo rin ang aking paningin, ngunit ng luminaw na ito ay ang mukha agad ni Hans ang bumungad sa akin na punong-puno ng pag-aalala. Mabilis niya akong binuhat. "I'll take you to the hospital!" Sabi niya, ngunit pinigilan ko siya. Umiling ako. "H-hindi na kailangan... okay na ako, Hans..." mabagal at mahinang sabi ko. "I'm sorry, Alex... but--" aniya nung babae, magsasalita pa sana ngunit hindi na niya itinuloy. Halata rin sa kanya ang naguguluhan. Alam ko na ang nais niyang sabihin. Alak kong nagtataka siya dahil alam kong magaling lumangoy ang Ate ko. "Go home, Krisia. I'll take care of her first," rinig kong sabi ni Hans. "Okay, I'm sorry again. I'll be back tomorrow to check on her." Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Nang tumango kasi si Hans ay kinuha niya lang ang tuwalya at umalis na rin siya. Ako naman ay ini-akyat na ni Hans sa itaas, dinala ako sa banyo at inilapag sa bathtub. "Wait me here... I'll get some warm water," paalis na sana siya ng pigilan ko siya at hawakan ang kamay niya. Agad naman siyang huminto at napatingin sa kamay naming dalawa. "Why? May masakit ba sa'yo?" Nag aalalang tanong niya. Umiling naman ako. "I just want to say sorry..." nakatungong saas ko. "Why are you apologizing?" Umupo siya ulit at itinapat ang mukha niya sa mukha ko. Hinawakan niya ang baba ko ng sa gayon ay magkaroon kami ng eye contact sa isa't isa. "Nabigla lang talaga ako sa pagkakadala niya sa akin sa tubig. Hindi ako nakapagready--" explanation ko ngunit tinakpan niya ang bibig ko galit ang hinlalaking daliri niya. Dinama niya ang labi ko na tila ba minimemorya ang hugis nito. "No need to explain. Ang mahalaga ay walang masamang nangyari sa'yo, okay?" "T-thank you... f-for saving me... H-hans..." nag-aalangan na sabi ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "No need to thank me. It's my job, ang protektahan ka, Alex." Nanlaki ang mga mata ko ng mabilis niyang dampian ang labi ko ng kanyang halik! Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis na siyang lumabas. Napahawak ako sa aking labi. Nais ko sanang kiligin, ngunit hindi nga pala ako si Ate Alex. He love me because he thought I was Ate Alex and not Sandra. Oh, bakit, Sandra? Baka nakakalimutan mo na replacement ka lang? Tss! Bahagya akong humiga ngunit nakalutang pa rin ang ulo ko. Nawala ang panlalamig ko sa maligamgam na tubig ng bathtub na ito. Bahagya kong ipinikit ang mga mata ko, nang bigla kong maalala na nakakatatlong halik na pala siya sa akin. He's my first, second and third kiss... Napamulat ako ng muling bumukas ang pintuan. Pagtingin ko ay pumasok si Hans na may dalang isang basong gatas. "Here. Warm milk yan, para marelax ka," aniya. Milk talaga? "Thank you, Hans..." sambit ko. Kinuha ko ang isang basong gatas at ininom ko ng dahan-dahan. Tama nga siya, maligamgam nga ito at ramdam na ramdam kong unti-unting naiinitan ang loob ng tiyan ko. "Kamusta pakiramdam mo?" Tanong pa niya at kinuha agad ang baso dahil naubos ko rin agad ang gatas na dinala niya. "Okay na ako. Salamat ulit." "Tss! One thank you is enough." Ngumiti na lang ako. Ang sabi niya kanina ay warm water pero pagbalik niya ay warm milk na. "I thought you had a mentruation?" Natigilan ako sa naging tanong niya! Oo nga pala! Pero nung isang araw ko pa naman yun sinabi sa kanya kaya pwede na akong gumawa ng alibi! "Uhm, kakatapos lang. Tatlong araw lang naman kasi tumatagal yun," pagsisinungaling ko. Napapikit tuloy ako dahil parang awkward for me na pag-usapan yun. "Ahh... that's good!" Aniya. Shit! Hinihintay niya ba talagang mawala? Gagawin na ba niya sa akin yung first night bilang mag-asawa? Ilang sandali pa ay tumayo na siya. "Maligo at magbanlaw ka na. Baka magkasakit ka pa. I'll wait you outside. Nagpahanda na rin ako ng pagkain natin." "Sige." Hinaplos pa niya ang buhok ko at inayos bago siya tuluyang lumabas ng cr bitbit ang basong wala ng laman. Umayos ka, Sandra! Hindi ka pwedeng ma-fall sa kanya! Tinapos ko na rin ang aking paliligo at nagbalot na ako ng tuwalya sa katawan saka ako lumabas ng banyo. Thank God, na wala siya rito sa kwarto. Binilisan ko lang din ang aking pagbibihis, naglagay ng skincare at bumaba na rin ako. Sabi niya kasi ay nagpahanda na siya ng pagkain at ayaw ko siyang paghintayin ng matagal. Ang bilis lang ng oras. Medyo madilim na agad ang paligid. Pagdating ko nga sa dining table ay nakahanda na ang lahat ng pagkain. Tumayo pa talaga siya para lang ipaghila ako ng upuan, at ng maayos na ang pagkakaupo ko ay saka lang ulit siya bumalik sa pwesto niya. Nagsimula na kaming kumain. Kapag talaga sa hapagkainan ay palaging namamayani ang katahimikan at tanging maririnig lang ay ang tunog ng mga utensils. Nang matapos na kaming kumain ay sabay kaming umakyat sa itaas. Akala ko ay sa kwarto kami didiretso pero hindi pala. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko na. Umakyat pa ulit kasi kami ng isang palapag eh. "Sa theater room. I want to watch a movie." Ahh... May theater room din pala siya. Sumabay lang ako sa paglalakad niya. Nakarating na kami sa harap ng two door. Binuksan niya iyon at pagbukas niya nga ng ilaw ay agad akong namangha! Wala kasi kaming ganito sa bahay! Isang malaking television. May pa-U style ng sofa at sa unahan ay nakabukod na sofa rin ngunit malaki na pwede ng gawing bed! Fully airconditioned din. Napaka-aliwalas tingnan but elegant. Doon kami naupo sa unahan. Sa dalawang sofa na magkatabi. Nasa unahan na ang remote. Ang sofa ay may pindutan pa sa gilid. Iba na talaga kapag super yaman! Madali na lang ang lahat. Siya na ang nagbukas ng tv. Siya na rin ang naghanap ng movie na gusto niyang panoorin. Buong akala ko ay mahilig siya sa mga action movie ngunit ang isinalang niya ay romance! "The Notebook" yung title. Well, I know this movie and this is my favorite! Favorite din kaya ito ni Ate Alex? May pinindot siya, sabay na gumalaw pahiga ang sofa kaya naman sumunod ang katawan ko. Nakaramdam ako ng pagkarelax kaya naman feel na feel ko na ang panonood. Nakatingin lang ako sa unahan. Busy ako sa panonood ngunit ramdam ko ang panaka-nakang pagsulyap niya sa akin. Naramdaman ko na ang paglagay niya ng braso sa aking balikat. Napasulyap din ako sa kanya ngunit hindi naman na siya sa akin nakatingin at sa tv na. Hinayaan ko siya at ipinagpatuloy ang panonood ko. Kahit na ilang beses ko na itong napanood ay talagang hinding-hindi ko ito pagsasawaan. "Have you watched that before?" Bigla ay tanong niya. "Oo, maraming beses na..." sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. "Ohh... akala ko ay hindi pa. Gusto mo bang palitan?" "Nope. Favorite ko ang movie na yan kaya kahit ilang beses kong panoorin yan ay hindi ako magsasawa." "Well, I've watched it before too and I really like their love story, their struggles that they overcome. They are separated by social class and distance, but find their way back to each other years later." "Yeah, and nakakabilib ang pagmamahalan nila--" "Sana tayo rin, Alex. Kahit magkahiwalay tayo, ewan ko, hindi ko masasabi ang panahon pero sana maging kagaya nila tayo na... always find their way back to each other." Naramdaman ko na ang paghawak niya sa kamay ko, at pagsiklupin ito. Sa mga oras na ito ay hindi na ako nakatingin sa tv dahil sa kanya na ako nakatitig. Paano kaya nagawang iwan ni Ate Alex ang lalakeng kagaya niya? Dahil ako? Kung makakatagpo man ako ng lalakeng kagaya niya? For sure na hindi ko iiwan, kaso sa sitwasyon ko ngayon, alam kong darating ang panahon na iiwan ko siya lalo na kapag bumalik na sa buhay niya ang tunay niyang minamahal at hindi ako yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD