Chapter 7

1316 Words
Sabi niya sa akin kahapon ay tatlo lang ang maid niya, ngunit nagulat ako kanina ng biglang naging sampu. Ibig sabihin ay ganun karami ang pinapasweldo niya sa isang buwan? Mayaman talaga siya at hindi ko na maipagkakaila yun. I was in the bench, malapit sa pool ng may lumapit sa akin na tatlong maid. "Uhm, Ma'am Alex, baka po gusto mo ng meryenda?" "Meryenda?" "Yes po..." Napaisip naman ako kung anong meryenda ang gusto ko. "Uhmm... marunong ba kayong gumawa ng pancake?" Iyon kasi ang paborito kong meryenda noong bata pa ako. "Uh-yes po, marunong po kami." Sabay-sabay na sabi pa nila at nagkatinginan pa. "Sige, pancake na lang and pineapply juice. Yung fresh juice sana..." nakatinging request ko. "Ano nga ulit name nyo?" Tanong ko ulit ngunit nagkatinginan na naman sila. "Hay naku, Ma'am Alex. Pang-fifth times na yata kaming nagpapakilala sa'yo," sabi pa nila. "Fifth times?" Nagtatakang tanong ko pa. "Yes, ma'am! Pero naiintindihan ka po namin kaya magpapakilala na ulit kami. Yolly: "Ako po si Yolly." Daisy: "Ako naman po si Daisy." Tina: "At ako naman po si Tina, ang pinakamaganda!" Yolly and Daisy: Wow, ha!" Tina: Oh! Bakit may angal?" Yolly and Daisy: Walaaaa! Ikaw na nga diba? At natawa na ako sa kanilang tatlo. Jolly pala sila, I think sila yung dati pang maid ni Hans na sinabi niya sa akin nung pagdating ko dito. "Oh, siya, sige na. Magaganda na kayong lahat, okay?" Yolly: "Yown! Oh? Si Ma'am Alex na ang nagsabi, ha..." Naiiling na lang akong natatawa sa kanila. Mukhang hindi rin naman boring dito kahit wala si Hans dahil mababait naman ang mga maid niya at mukhang masayahin pa. Habang naghihintay nga ako sa aking meryenda ay naglakad-lakad muna ako sa gilid ng pool. Iniisip ko pa rin talaga yung naging pag-uusap namin kanina, dun sa akala ko ay mabubuking na niya ako. Mabuti na lang talaga at nakaisip ako ng alibi ko. He thought that I was just joking pero hindi ko naman kasi talaga alam na mabait siya at mapagbigay sa nangangailangan. "Ma'am Alex, narito na po ang iyong meryenda..." ani Yolly. "Pakilapag na lang dyan sa table," wika ko dahil narito pa ako sa kabilang gilid ng pool. "Sige po, Ma'am." Tugon naman niya at inilagay na nga doon sa circle na table ang dala-dala niya. "Siya nga pala, bakit ikaw lang ang bumalik?" Pahabol na tanong ko. Inaasahan ko kasing tatlo ulit sila na magkukulitan sa harapan ko. "Nasa kusina po. Gumagawa pa ng mas maraming pancake." "Ganun ba. Huwag masyadong marami, at baka naman hindi ko na maubos." Sabi ko pa. Naglakad ulit ako sa gilid ng pool at lumapit na sa meryendang nakahain. Mukhang masarap ang pagkakaluto at fluppy pa. "Uhm, Ma'am Alex. Alam mo ba last time na pinapakain ka ni Sir Hans ng pancake--" Napahinto ako sa pagsubo ko ng pancake. "B-bakit? May allergy ba ako o ano?" Exxageraged na tanong ko. Hindi ko naman kabisado ang mga gusto at ayaw ni Ate Alex eh. "Parang wala naman po pero ang sabi mo ay hindi ka mahilig sa pancakes, at tsaka mas gusto mo po ng orange juice. Kaya nga po nagtataka kami dahil parang bigla kayong nagbago or baka po dahil kay Sir Hans?... uyy..." pag-udyok pa sa akin. Bago ako nagsalita ay nilunok ko muna ang pancake na nasa bibig ko na. "H-ha? Hindi naman sa ganun... Pwede bang magkwento ka pa? Medyo para kasing nagka-amnesia ako ng mabagok ang ulo ko." Yolly: "T-talaga po ba? Nabagok ang ulo nyo at nagka-amnesia kayo? Kaya naman po pala bigla kayong bumait at nag-iba ang gusto nyo." Napakunot ang noo ko. "You mean, masungit ako dati?" Yolly: Hindi naman po masyado, medyo lang po." "Ganun ba... sige, kwento ka pa..." sabi ko pa sa kanya dahil parang bigla akong naging interesado. At nagkwento pa nga siya ng nagkwento. Napaniwala ko siyang nagka-temporary amnesia lang ako. Mabuti na lang at may kadaldalan din itong si Yolly kaya marami-rami din akong nakalap na impormasyon. Base sa kwento niya ay magkaibang-magkaiba talaga kami ni Ate Alex, sabi pa niya ay sobrang clingy raw ni Ate kay Hans at palagi daw nakayakap na para bang ayaw ng pakawalan ang nobyo, pero bakit ganun? Tumakas si Ate Alex sa mismong kasal nila? Hindi pa naman huli na parang kunwari ay nagbago si Ate Alex diba? Lalo na sa pakikitungo niya sa mga kasambahay. Pero ang isa pa sa iniisip ko ay kung paano siya maging clingy kay Hans dahil kung ako lang? Parang hindi ko kayang gawin. Naiilang pa nga ako sa holding hands, yakap pa kaya? Maya lang din ay nagpaalam na si Yolly. Busy ako sa pagkain ko ng pancakes ng biglang may sumulpot na magandang babae rito sa pwesto ko. "Alex... Your here... Hans told me na narito ka lang daw sa bahay, so para hindi ka daw mainip ay puntahan kita. You know what? Na-miss kita! Ang daya mo pa! Two weeks lang ako sa london tapos pagbalik ko ay kasal na agad kayo," mahabang litanya ng babae sabay beso pa sa akin. Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Teka? Sino ba siya? OMG! "Uh--uhm... ano... s-sorry... biglaan kasi ang wedding namin..." tanging nasabi ko sabay inom ng juice. "Yan lang ang sasabihin mo? Hindi mo ba ako na-miss? O baka naman nagtatampo ka dahil wala ako sa kasal mo?" Aniya na pinalungkot pa ang boses. "H-ha? Naku, hindi naman. Naiintindihan kita." Ngumiti ako ng bahagya. Umupo siya sa tabi ko kaya naman bahagya akong nagbigay ng distansya para makaupo siya ng maayos. "What the? You're eating pancakes? I thought you hate pancakes?" Gilalas niya na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi ko pa nga alam ang pangalan niya at hindi ko rin alam kung sino siya, tapos ngayon alam niya rin na hate ni Ate Alex ang pancakes? Oh my! Anong sasabihin ko? "A-ano kasi... uhm... ahh..." I'm out of words! My goodness! "Don't tell me your pregnant? At pinaglilihian mo ang pancakes? O M G! Soon to be ninang na ba ako? I'm happy for you..." at niyakap niya ako ng mahigpit kaya napapikit ako. Gosh! I'm doomed! "Who's pregnant?" At bigla akong napamulat ng marinig ko ang boses niya... Boses ni Hans. Humiwalay agad ng yakap sa akin ang babae at biglang tumayo. Lumapit ito kay Hans kaya dalawa na silang nakatingin sa akin ngayon. "She's eating pancake, Hans! She hates eating that, right? Hindi mo naman sinabi sa akin na she's pregnant kaya kayo nagpakasal?" Aniya kay Hans. Ang mga mata ni Hans ay dumako agad sa pancake na may bawas na at sa pineapple na halos nakalahating baso ko na. My Gosh! Grabe na yung kabog ng dibdib ko! At this time ay hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko. "Uhmm... tinikman ko lang. Ti-nry ko if masarap. Dinala kasi ni Yolly. Nahiya naman akong tanggihan kasi nag-effort silang iluto--" "O M G! Nagbago ka na talaga! Imagine? Marunong ka ng mag-appreciate?" Lumapit ulit sa akin ang babae. Sinalat ang noo ko na para bang tinetest kung may sakit ako. "Hindi ka naman lagnat, ah? But don't worry, baka epekto lang yan ng pagkakaroon ng asawa..." pang-aasar pa nitong babae na hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung sino siya. "Actually, hindi ko talaga gusto ang pancake kaya hindi ko maubos-ubos. Gusto ko lang makatikim ng ibang pagkain." Medyo ginaya ko kung paano magsalita si Ate Alex. "Hay naku, akala ko naman ay preggy ka na! Excited pa naman akong maging ninang!" "Hindi, ah. Hindi pa..." sabi ko. Napatingin naman ako kay Hans na hanggang ngayon ay nakatingin at titig na titig pa rin sa akin. "You know what? Super init ngayon. Magswimming na lang tayo," sabi pa niya. Nagulat pa ako ng bigla niya akong hilahin at sabay kaming tumalon sa pool! Shit! Hindi pa ako marunong lumangoy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD