May pa-hold back, hold back pa siyang nalalaman, ano yun? Pwede sa kanya kahit may buwanang dalaw? Eww!
"What with that stare?"
"Wala... ito na, magbibihis na. Sige na, dun ka na. I mean, labas ka na muna." Sabi ko sa kanya.
"Why do I need to go out? Well, I've already seen that, right?"
Nanlaki ang mga mata ko! Nakita na niya? Ibig sabihin ba nito ay may nangyari na sa kanila ni Ate Alex before the wedding? O M G!
"K-kahit na. Hindi ako kumportableng magbihis na may nakakakita at may kasama. Isa pa, nakakahiyang maglagay sa harapan mo ng pasador sa ano, kaya sige na! Lumabas ka muna!" Lumapit ako sa kanya at itinutulak ko na siya palabas ng walk-in closet.
"Okay, okay. I'm coming out. Just don't push me." Sabi niya ngunit hindi ko siya pinakinggan!
"Sige na, bilisan mo na--ahhhh!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat ng bigla akong matapilok sa sarili kong paa!
Oh My God!
Babagsak ako sa kanya!
At napapikit na lang ako ng sabay kaming bumagsak sa sahig!
Shit! I'm on top of him!
What should I do?
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, habang may naiilang na expression sa mukha ko.
"Don't you plan on getting off me? Well, I'd like that--"
"H-ha? S-sorry! Hindi ko sinasadya..." shocks! Yung towel sa katawan ko! Bumuka!
"Wait! Pumikit ka muna! Huwag kang didilat! Huwag mong imumulat ang mga mata mo!"
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"What? At bakit kailangan ko pang pumikit, aber?"
"Just! Close your eyes and stay still, okay? Hindi maayos ang towel ko."
"Tss! Fine!" Aniya at pumikit na.
Naiilang akong bumangon. Unti-unti akong umalis sa ibabaw niya at mabilis na inayos ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko. Nang maayos ko na ito ay saka ko lang siya pinamulat ngunit nakatalikod na ako mula sa kanya.
"Close the door when you leave." Utos ko sa kanya na hindi tumitingin at ng marinig ko ang pagsarado ng pintuan ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko tuloy ay wala na agad akong mukha na maihaharap sa kanya.
Hays, Sandra! Umayos ka nga! Nagpapanggap kang si Ate Alex, remember?
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin agad ako sa walk-in closet. Nang makita ko siya ay nakahiga na siya at nakatalikod muna sa pwesto ko. Nakatulog na kaya agad siya?
Dahan-dahan pa akong naglakad papunta sa kama. Hinila ko ng bahagya ang blanket at tumabi na sa kanya ngunit nakatalikod rin ako mula sa kanya. Nakapikit na ako ngunit hindi pa ako makatulog dahil pinakikiramdaman ko siya.
Mukhang tulog na nga yata siya...
Tuluyan ko ng ipinahinga ang isipan ko, matiwasay ko ng ipinikit ang mga mata ko ngunit agad rin akong napamulat ng maramdaman kong may yumakap sa akin! Napasinghap ako! Ang matipunong bisig niya ay bigla na lang pumulupot sa bewang ko!
Hindi ko alam kung tulog na ba siya o ano, pero bahala na!
Hinawakan ko ang braso niya at dahan-dahan kong iniaangat para maalis sa bewang ko, pero ang lalakeng 'to, mas lalo pang hinigpitan ang pagkakapulupot ng braso sa bewang ko!
Sandra, kalma! He's your husband, okay? Kunwari ay ikaw na lang din si Alex! (sita pa sa kanyang sarili)
At dahil antok na antok na rin ako ay hinayaan ko na lang siyang nakayakap sa akin. At nakatulog nga akong may nakapulupot ba braso sa bewang ko!
Kinaumagahan, nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Didiretso sana ako sa banyo ngunit hindi ko naituloy dahil rinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa loob. Sa tingin ko ay nasa loob siya at naliligo na.
Bumalik muna ako, at umupo sa edge ng kama. Ilang sandali pa ay huminto na ang paglagaslas ng tubig at bumukas na ang pintuan ng cr. I saw him half naked at talagang tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya.
"Goodmorinig... How's your sleep?" Nakangiting tanong niya. He's that sweet talaga?
"O-okay naman. Sorry, tinanghali yata ako ng gising," wika ko.
Ngumiti siya at naglakad papalapit sa akin.
"Bakit ka nagsosorry? No need to say sorry. Kahit na matulog ka dyan maghapon ay walang problema sa akin, okay? But for now, magready ka na. Alam kong nakita mo na sila dati pero ngayon ay ipapakilala na kita as my wife, okay?"
"Wait? Kanino? Sa parents mo? I'm not prepared?" Nawiwindang na sabi ko. Hindi pa ako handa at hindi ko rin alam kung na-meet na ba ni Ate Alex ang parents niya! Wala kasi ang parents niya nung wedding namin.
"Hindi sila. Sa mga maids lang natin. Don't be so nervous," aniya at bahagya pang tinawanan ako. Nang marinig ko naman ang sinabi niya ay nakahinga agad ako ng maluwag saka nagpaalam na sa kanya at dumiretso na rin ako sa banyo.
Nag-aalala tuloy ako. Baka kasi mabuking niya ako ng maaga at i-atras niya ang pagtulong sa kumpanya ni Daddy.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng simpleng white dress na lampas hanggang tuhod ko. Hinayaan kong kusang matuyo ang buhok ko at bumaba na ako. Wala na rin kasi siya sa kwarto kaya alam kong lumabas at bumaba na siya.
"She's here," rinig kong sabi niya ng makarating ako sa may living room.
Nakita kong may mga maids in uniform na nakapila at bahagya pang nakayuko. Parang ako tuloy ang nailang na lumapit. Ilan ba sila? Sampu? Ang dami naman yata niyang maids?
"Come here, Love," tawag niya sa akin. Love talaga? Love ba ang call sign nila ni Ate Alex?
Lumapit ako sa kanya. Pumulupot naman agad ang bisig niya sa maliit na bewang ko. Bahagya pa akong hinapit papalapit sa kanya kaya napatingin ako sa kanya.
"Stay still, don't move," aniya. Ngumiti naman ako at tumango.
"She's your Ma'am Alex. I know ang ilan sa inyo ay kilala at nakita na siya, but now, ipapakilala ko siya sa inyo officially as my wife. So, kung paano nyo ako itrato ay ganun dapat ang maging trato nyo sa kanya, maliwanag ba?"
"Yes, Sir." Sabay-sabay nilang tugon.
"Good. At kung sino man ang makaka-offend sa kanya ay sesesantihin ko agad."
"Opo, Sir."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Hindi naman siya tumingin sa akin kaya sa mga maid na lang dumako ang mga mata ko, ngunit patuloy pa rin silang nakayuko. Ganyan ba talaga siya ka-strict sa mga maids niya?
Nakaupo na kami ngayon sa hapag-kainan. Sabay kaming kumakain ng may lumapit sa kanyang maid, I think she's Marissa. Isa-isa kasi silang nagpakilala sa akin kanina.
"Uhm, Sir. Mawalang galang na po. Magpapaalam po sana ako na umuwi muna. May sakit daw po kasi ang anak ko. Dinala po sa hospital."
Ako ang kinakabahan para sa maid. Huminto kasi ng pagkain si Hans at nagpunas ng kanyang bibig.
"Okay. May pera ka ba?" Tanong niya rito.
"Meron naman po akong naipon, Sir, pero sana po ay huwag nyo akong tanggalin dito."
"Why would I? Here's the money, at kung kailangan mo pa just say it to me, okay?" Sabi niya rito. Inabutan niya ito ng pera at sa tingin ko ay abot ito ng sampung libo. Ganyan ba talaga siya kabait sa mga maids niya?
"Naku, maraming salamat po, Sir. Napakalaking tulong na po nito sa akin."
"Sige na. Your son needs you. Makakaalis ka na."
"Salamat po talaga, Sir."
Nang umalis na ang maid ay saka lang ulit siya nagpatuloy sa pagkain niya. Nang mapatingin siya sa akin ay nanlaki ang mga mata ko at agad akong umiwas ng tingin.
"Don't be jealous, okay? She's just a maid," rinig kong sabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Na magseselos ako sa maid? Bakit niya naman naisip yun?
"Hindi, ah. Why would I be jealous. Hindi kasi ako makapaniwala na ganyan ka pala ka-generous," sabi ko. Bigla naman siyang napatitig sa akin.
"Hindi mo ba talaga alam na mapagbigay ako, Alex? Are you really the one I love?" Seryosong tanong niya.
Shit! Ito na ba? Nabuko na ba niya ako? Anong gagawin ko!