Chapter 5

1382 Words
"What do you mean, husband and wife thing?" Pag-uulit ko. Hindi naman sa hindi ko alam pero gusto ko lang talagang iiwas ang sarili ko. "Honeymoon?" Aniya habang unti-unting lumalapit sa akin. "H-ha? N-naku! Hindi ako pwede ngayon eh." Kinakabahan na sabi ko. Kumunot ang noo niya. "W-what? Why?" "K-kasi anooo... uhm... m-meron kasi ako." "Merong ano?" Mas lumapit pa siya sa akin tapos hinuhubad na rin niya ang kanyang coat. Napahakbang naman ako patalikod para hindi siya tuluyang makalapit. "Yung ano... b-buwanang dalaw--" "What?!" Ang lakas ng pagkakasabi niya kaya napapikit ako at napaiwas sa kanya sabay hakbang ulit patalikod. Ngunit hindi ko inaasahan na matutumba ako! Nanlaki ang mga mata ko! Natapakan ko ang sarili kong wedding gown kaya naman inihanda ko na ang sarili ko sa pagbagsak! Ngunit ang inaasahan kong sahig na babagsakan ko ay sa bisig pala niya! "Got you!" aniya. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang gwapo nga niyang mukha ang bumungad sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya. Medyo brownish ang mga mata niya. Malantik ang pilikmata at makapal ang kanyang kilay. Matangos rin ang ilong niya na parang sa mga italian. He looks like Andres Muhlach but a bit matured. Gosh! Crush na crush ko pa naman ang batang yun kahit na parang tita na niya ako! "So, you like the view huh?" He smiled at me. "H-ha? Oh... s-sorry..." tinulungan niya akong makatayo ng maayos. Inayos ko na rin ang damit ko at muling humarap sa kanya. "May menstruation kasi ako... kaya pwede bang i-postpone muna natin ang honeymoon?" Lakas loob na sabi ko. Napakagat pa akong sa aking ibabang labi dahil nagsisinungaling lang ako. "As in ngayon talaga?" "Oo eh--" "Pwede na yan--" "H-ha? Ano?" Napayakap ako sa aking sarili. "Ang sabi ko pwede na yan--" "No! Hindi nuh! Umayos ka nga! Kadiri ka!" Pagtanggi ko at ang kumag ay biglang humagalpak ng tawa! Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Is he playing with me? "A-anong nakakatawa dun?" Inis na tanong ko. "Do you really think na gagawin natin yun ng meron ka? Hey... I'm just joking. I'm willing to wait, Alex..." Ayun lang... Tinawag niya akong Alex, siguro ay hindi naman siya naghihinala sa akin, or ganito din ang ugali ni Ate Alex sa kanya. "Tulungan na lang kitang alisin ang wedding gown mo para makapagbihis ka na. I know that is heavy." Hindi pa ako nakakasagot ay pinatalikod na niya ako. "Kahit yung butones na lang. Ako na ang bahala sa--" "No. I'll help you. Huwag ka ng makulit." Naramdaman ko ang paghawi niya sa mahabang buhok ko. Nakalugay lang kasi ito na medyo kinulot ang dulo. Narinig ko na rin ang pag-alis niya sa lock nito sa itaas at ang dahan-dahan niyang pagbaba ng zipper. "A-ako na... kaya ko na ito, Hans..." naiilang na sabi ko. "Mabalbon ka pala?" Puna niya na parang hindi pa nakikita ang likuran ni Ate Alex. "Ahh... o-oo... mabalahibo talaga ako..." "Ohh... I see..." tugon niya. Kung hindi nga lang ako nagpapanggap bilang si Ate Alex ay baka tinanong ko na siya kung hindi pa ba nila nagagawa ang bagay na yun before. "Sige na. Magbihis ka na. Lalabas lang ako saglit." Rinig ko na ang yabag niya paalis kaya naman humarap ako para tingnan niya ngunit bigla naman siyang huminto. "Uhmmm... siya nga pala, bukas ay babalik na ang mga maids. May kanya-kanya silang work dito kaya hindi ka mahihirapan. May cook tayo, washerwoman, and soon, mag-hire na rin ako ng babysitter." Tatango na sana ako para sumang-ayon sa mga sinabi niya ngunit tila ba naging slow ako at late ko na napagtanto ang huling sinabi niya. "Ano? Babysitter? Sinong aalagan nun? Wala pa naman tayong baby, ah?" And he laugh again. Medyo naging hubby na yata niya ang paglaruan at pagtawanan ako. "Soon, we were having a baby na. Gagawa tayo after ng mens. mo." He said and then left. He leave me hanging here. T-talaga bang seryoso siya? Hihintayin niya? Pero paano pa ako makakatanggi kapag ganun na? Hindi naman pwedeng forever akong tatanggi dahil hindi naman forever ang buwanang dalaw. So, kailangan ko pang magbilang ng limang araw at gagawin na namin yun? Pero hindi naman ako si Ate Alex, eh. Naku! Lagot na ako! Kailangan ko na talagang makontak si Ate Alex. Pagkahubad ko ng wedding gown ko ay dumiretso na ako ng shower to freshen' up at para maalis ko na rin itong makapal na make up sa mukha ko, lalo na ang nilagay nilang pampatigas sa buhok ko. "Alex?" Rinig kong boses niya mula sa labas ng cr. "I'm here..." tugon ko sa kanya at binilisan ko na ang aking paliligo. Ewan ko ba. Iniisip kong baka pumasok siya sa loob kaya naman nagbalot na agad ako ng tuwalya at lumabas na. Nakita ko siyang nakatayo sa may gilid ng pintuan habang hinihintay ako. "Uhmm... bakit? May kailangan ka ba?" Tanong ko pa sa kanya, ngunit sa halip na sagutin ako ay tinitigan niya lang ako at tiningnan ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay bumalik sa mukha ko ang tingin niya. "Bakit? May natira pa bang make up sa mukha ko?" Saad ko sabay haplos sa pisngi ko. Napakunot naman ako ng unti-unti siyang lumapit aa akin, napaurong tuloy ako hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Napahigpit rin ang pagkakahawak ko sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko. "Nothing. It's just that... you look more beautiful when you don't have makeup on." Bahagyang napailag ako ng haplusin niya ang pisngi ko. Jusko! Sa haplos pa lang niya sa pisngi ko ay grabe na agad ang kaba na nararamdaman ko! Pakiramdam ko ay sunod-sunod na tinatambol ang dibdib ko! "L-lagi mo naman akong nakikitang walang make up, ah?" Hula lang dahil iniisip kong hindi mahilig mag-make up si Ate Alex kagaya ko. "Nope. Every time we're together, you always wear makeup, right?" Napakagat ako sa aking ibabang labi and I look uneasy. Patay! Mahuhuli na ba niya ako? "Uhm, "Of course, because I always want to be presentable in your eyes and in the people we meet." "Yeah... I understand, that's why, I find you more beautiful without make up. I like you better that way. You're so beautiful, Alex." "I appreciate what you said. Thanks, Hans." Akala ko ay aalis na siya ngunit hinaplos pa niya ang buhok ko at hinawi ito papunta sa gilid ng tainga ko. Medyo basa pa ito at tumutulo dahil hindi ko pa nakukuskos gamit ang tuwalya. Nagmamadali rin kasi akong lumabas kanina. "M-may sasabihin ka pa ba? Magbibihis na kasi sana ako eh." Ang akward ko ba? "Y-yah... magbihis ka na at baka magkasakit ka pa. "Just go through that door. Your walk-in closet is inside. Everything you need is right there," sabi niya sabay turo sa pintuan sa may di kalayuan sa pwesto ko. Sa wakas ay umalis na siya sa pagkakaharang sa akin. Pumwesto na siya sa gilid ko, sumadal siya sa pader habang nakahalukipkip. Akala ko nga ay hahalikan pa niya ako, mabuti na lang talaga at hindi! Naglakad na agad ako papalapit sa itinuro niyang pintuan, at pagbukas ko nga sa pinto ay nakita ko ang mas malaki pang silid na puro built-in cabinet. Punong-puno ng damit ko at damit niya! Jusko! Dinaig ko pa ang nasa loob ng mall dahil kumpleto na ang laman! Ikaw na lang ang mamimili ng kung anong gusto mong isuot. Even jewelries, shoes and sandals ay kumpleto rin. At hindi lang yan! Halos makumpleto niya ang 24 colors sa crayola dahil sa dami ng iba't ibang kulay ng damit na naririto! Namangha ako kaya sa halip na makapagbihis ako ay heto at nananatili akong nakanganga! I mean, mayaman din kami before muntik ng ma-bankrupt ang kumpanya ni Daddy pero hindi ganito kalaki ang walk-in closet namin ni Ate Alex. "Hindi ka pa ba magbibihis? "Would you like me to help you choose an outfit to wear?" "H-ha? Uhm, hindi na. Pantulog lang naman ang susuotin ko ngayon." "Okay, i'll get you one." Nilampasan niya ako at siya na ang lumapit sa mga damit na puro pantulog. Ikinuha niya ako ng isa at ini-abot ito sa akin. "Here. Get dressed while I can still hold back, Alex." Saad niya kaya napalunok agad ako ng sunod-sunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD