Chapter 4

1313 Words
Bago matapos ang selebrasyon ng kasal ay nagpaalam na siya sa mga magulang kong aalis na kami. "Pero, pwede bang bukas na lang ako sumama sa'yo?" Protesta ko. Nakita ko ang mabilis na pagkunot ng noo niya. Maging sina mommy at daddy ay sinenyasan ako na para bang nais sabihin na huwag akong magprotesta. "Why? Ayaw mo pa bang sumama sa akin?" "A-ano k-kasi... hindi pa ako nakakapag-impake ng mga damit ko." "That doesn't matter. Hindi mo na kailangan ang mga lumang damit mo. Naipamili ka na ng assistant ko. Kumpleto na ang gamit mo sa lilipatan natin mula ulo hanggang paa, Alex." Bahagya akong napakagat sa aking ibabang labi ng tawagin niya akong Alex. "Sige na, anak. Kami na ang bahala sa mga gamit mo dito, ha. Sumama ka na at gumagabi na rin." "P-pero--" "Let's go..." sabi ni Hans, hinawakan na ako sa kamay at hinila na ako paalis. May humintong sasakyan sa unahan namin. Bumaba ang driver at ipinagbukas pa talaga kami ng pintuan. Ako ang unang pinasakay ni Hans. Nang masigurado niyang maayos na ang pwesto ko sa loob ay siya naman ang sumunod, pagkatapos ay maingat na isinara ang pintuan ng kotse. "Boss? Saan po tayo? Sa penthouse o sa bahay nyo?" Tanong pa ng driver pagkasakay nito. "Sa bahay." "Copy, boss." Umandar na nga ang sasakyan. Namayani na ang katahimikan pagkatapos nilang mag-usap. Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na talaga namang ikinagulat ko. "Why?" Nagtatakang tanong niya dahil bigla kong hinila palayo ang kamay ko. "S-sorry... nagulat lang ako." Nanlaki ang mga mata ko ng panliitan niya ako ng mga mata. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko at pinakatitigan ako na para bang may kung anong iniisip sa akin. "Ano ba? Lumayo ka nga?" Bahagya ko siyang itinulak. "Huwag mong sabihing..." "Sabihing ano?" "N-nothing. Nevermind." Lumayo siyang bigla sa akin. Inilabas niya ang cellphone niya at may tinawagan. "No. Just put the papers in my table. I'll check that tomorrow. Alright," aniya at pinutol na ang tawag. Hindi maipagkakailang super busy siya. Yung tipong after ng kasal niya ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang trabaho niya. Well, mas okay na rin yun para naman hindi kami laging magkasama sa bahay. "Conrad. I change my mind. Sa penthouse na lang pala." "Yes, Boss." Biglang iminaniobra ng driver ang kotse at nagbago ng direksyon. "Bakit sa penthouse? Ayaw mo ba akong dalhin sa bahay mo?" Bigla ay nasabi ko. Napakunot naman ang noo ko ng ngumisi siya. "Why? Ayaw mo ba sa penthouse tayo mag-honeymoon? Isn't that your favorite place?" "H-ha? Sinabi ko ba yun?" Bigla akong napaisip kahit na alam kong si Ate Alex naman talaga ang nagsabi nun sa kanya. "Uhm, ano k-kasi... nagbago na ang isip ko. Mas gusto ko ng dun sa bahay mo," ngumiti ako ng bahagya sa kanya ngunit hindi ko alam kung gumana ba dahil hindi niya inutusan ang driver niya na sa bahay na lang niya kami umuwi. Napansin kong nakatingin siya sa akin habang nakatitig siya sa pisngi ko. "Hindi ko alam na may dimple ka pala..." sambit niya. Shit! Napansin niya pa ang dimple ko? Talaga ba? Mabilis kong tinakpan ang pisngi ko dahil alam kong wala si Ate nito. Bigla tuloy akong napaisip ng dapat kong idahilan sa kanya. "Uhm... M-Medyo pero maliit lang naman 'to kaya hindi masyadong pansinin." Alibi ko ngunit nakatitig pa rin siya sa mukha ko. "I don't think so... hindi ko alam na bigla na lang palang lumilitaw ang dimple pagkatapos ng kasal." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko na ipinakita ang kaliwang side ng mukha ko at sa bintana na lang ako tumingin. Hindi ko tuloy alam ang sunod kong sasabihin sa kanya. "Conrad, sa bahay tayo..." "B-boss??" Tila naguguluhan ng sabi ng driver niya. "Sa bahay. Mas gusto niya sa bahay kaya dun tayo." "Okay, b-boss..." wika ng driver sabay sulyap sa akin. "Don't look at her." "Uh-y-yes, Boss!" Tila kabadong saad nito. Iminaniobra nito ang sasakyan at bumalik kami sa way kanina papunta sa bahay ni Hans. Nang marinig ko pa lang ang salitang honeymoon kanina ay kinabahan na agad ako. Paano nga pala yun? Paano ang honeymoon? Hindi ako pwedeng makipaghoneymoon sa kanya kaya kailangan kong makaisip ng paraan para hindi matuloy iyon. Well he looks mabait naman kaya siguro kapag ayaw ko ay hindi naman niya siguro ako pipilitin? Patanong iyon dahil hindi pa ako sigurado. "Bahay mo 'to?" Tanong ko agad. Bigla kasi akong namangha dahil doble ang laki nito sa bahay namin. Sobrang ganda, napaka-elegante ng datingan. Bagay na bagay sa personality niya as a CEO. "Yes, it is..." "Ahh... maganda..." namamanghang sambit ko pa rin. "Did you like it?" "Y-yes..." "Well, I'm happy that you like it..." Sa sinabi niya ay ngumiti lang ako. Mukhang hindi pa yata ito nakikita ni Ate Alex, or hindi pa siya nadadala dito ni Hans. Mas okay na yun. Yung parang bago lang at unfamiliar ako sa hitsura at sa mga gamit sa bahay. "Wala ka bang kasama dito?" "Meron, I have 3 maids here. Si Yolly, Daisy, and Tina." "Ahh... nasaan sila?" "Nasa bakasyon pa. Bukas makikilala mo sila." "Ahh... okay." "Nagugutom ka ba? Do you want me to cook for you?" He asked. I don't know, pero napatitig ako sa kanya. He's not the Hans I imagined before. Akala ko ay masungit siya at arogante, but seems he's so kind and nice naman. "Uhm, hindi na. Busog pa ako. Ikaw? Baka nagugutom ka?" "No. So, let go to our room?" Pag aya niya. Napalunok ako. "Why?" Tanong pa niya. "H-ha? W-wala naman... sige. Gusto ko na rin kasi makapagpalit. Mabigat kasi itong wedding gown na suot ko. "Okay. I'll help you." "H-ha? N-no. Hindi na. I-I mean, kaya ko na mag-isa." Sa sinabi ko ay napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. "B-bakit?" "Nothing. I insist on helping you remove your wedding gown, Alex." Sinambit pa talaga ang pangalang Alex sabay titig sa mukha ko. Hindi na ako umimik. Nang maglakad siya paakyat sa hagdanan ay sumunod ako sa kanya. Medyo hirap ako dahil naka-heels pa rin ako kaya naman ingat na ingat ako sa bawat paghakbang ko. Dire-diretso ako sa paglalakad ngunit nagulat ako ng huminto siya! Nauntog ako sa likuran niya! I almost fell out, mabuti na lang at nahawakan niya ako! "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi naman agad ako gaanong nakapagsalita dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinabahan kasi talaga ako dahil buong akala ko ay babagsak ako pababa sa hagdan. "Uh-oo. O-okay lang ako--ahh!" Nagulat ako ng bigla na niya akong buhatin! Literal na buhat ng bagong kasal! "Ibaba mo na ako. Okay lang ako--" "No. Stay still." Sa sinabi niya ay hindi na ako nagprotesta. Humawak na lang ako sa leeg niya para hindi ako mahulog. Hindi ko inaasahan na mapapatitig ako sa kanya ng hindi sinasadya ngunit ng alam kong titingin na siya sa akin ay mabilis kong inalis ang pagkakatitig ko sa kanya. I saw him smiling at hindi ko alam kung para saan ang ngiting iyon. Pagkarating namin sa isang silid, i think this is the master's bedroom dahil parang bahay na inilagay lang sa mas malaking bahay ang hitsura. Kwarto pa lang 'to pero kumpleto na ng gamit sa loob. "O-okay na ako. Pwede mo na akong ibaba, Hans..." "Hans? Don't call me by my name. Call me hubby. We are now husband and wife." He said. "S-sige. H-hubby..." "That's good to hear, wifey," sabi pa niya at ibinaba na ako. Bumalik siya sa pintuan. Mabagal niyang isinarado iyon at pagtalikod niya ay narinig ko ang pagtunog ng lock niyon. Napakagat ako sa aking labi at malalaking paglunok ang aking nagawa. I cleared my throat at hindi kumportableng napangiti. "So... can we do the husband and wife thing?" Is he asking my permission?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD