Revelation: Mysteries are like jigsaw puzzle, unlock one piece and you'll reveal the whole picture. Karmy's Point of View Pangalawang araw na ngayon ni Ciel bakla sa school na pinapasukan ko bilang new student kasama ang kapatid ni Seeichi na si Mitzi at sa buong durasyon nito ay hindi ko pa siya nakakausap. Walastic, kinareer ang pagiging bakla ey kung makayapos kay Mitzi daig pa ang ahas. Kawawang babae kung alam lang niyang inuutakan siya ng gunggong gunggong na baklang 'yan. "Excuse me." Napakurap naman ako sabay lingon sa taong nasa aking likuran na mukha pa lang parang mangangain na ng buhay, nyay! Si Seeiche Yuga, ang taong pinaglihi sa sama ng loob. Agad naman akong tumabi sa daan, nakalimutan kong nasa canteen pala ako at nakaharang na rin pala ako rito habang nakatanga sa

