Revelation: A mystery is like solving a 3D object, it takes more than logic. -Kharmaine Karmy's Point of View Nakaupo ako sa isa sa mga swings at nauubos ko na yata ang lahat ng extension nails ko sa kakakitkit nito dahil sa niyerbyos. Olaf help me! Hinihintay ko si Seeichi sa meeting place namin para sabay kaming pumunta sa school hall. Dito sa pinakamalapit na park sa bahay ni bossing ako naghintay syempre hindi maaaring sa bahay mismo ni bossing. Malayo sa inaasahan kong outcome ang nangyari, akala ko talaga magbaback out siya sa pagiging pares ko pero miisang salita ay wala naman akong narinig mula sa kanya maliban na lang noong nagpalitan kami ng phone number. Gabi ang party at ang theme ay Met Gala so expected ko na ang magagarang damit na makikita ko mamaya. Nakasuot lang ako ng

