Third's POV Nakayakap lamang si Kharmaine sa hindi gumagalaw na katawan ni Seeichi. Mula sa likuran hindi namalayan nito na nakatayo na ang kaibigang si Nightwind na handing magbigay ng mainit na yakap para sa kaibigan. Ngunit alam ni Nightwind higit sa kanino man na walang yakap o konsolasyon ang magbibigay ng kapayapaan sa puso ng isang nawalan. Alam ni Nightwind na sa araw na ito hindi lamang isang kaluluwa ang nawala kun'di dalawa sapagkat ang mga ito ay magka-ugnay. Patuloy ang panaghoy ng hinagpis ang umaalpas mula kay Kharmaine, lulong ito sa kabiguan. Nababalot man ng awa ang puso ni Nightwind ay nanatili siyang alerto. Nasa ganito silang estado nang mapansin ni Nightwind ang biglaang paggalaw ng isang daliri ni Yuuga. Akala niya noong una ay dinadaya lamang siya ng kaniyang pani

