Revelation: I won't let my man die. Karmy's Point of View "Speak up." Ang malamig na boses ng reyna ay gumawa ng echo sa loob ng walang taong throne room maliban sa aming dalawa. Matapos niyang gawaran ng hatol si Seeichi ay dinala ito pabalik sa kaniyang kulungan. Sa harap ng mga nagbubunying tao ay bumulong siya na huwag muna akong umalis bago nagsalita ng malakas ang hari na bumalik na sa labas upang makisali sa kasiyahan ng Angel Lantern Festival. Tila dama ng hari na dapat kaming mag-usap ng reyna kaya tahimik na sumunod siya sa maingay na pumpon ng mga tao palabas ng throne room. Matapos makaalis ng hari ay inutusan din ng reyna ang mga post guards na umalis kaya ngayon ay kami na lamang dalawa sa throne. Siya na nakaupo sa kaniyang gintong trono at ako na nakatayo sa kaniyang tab

