Revelation: Without a doubt I will give up my wings... Karmy's Point of View Tama nga siguro na kahit ilang balde pa ang iluha mo ay hindi mo na maibabalik ang mga nawala. Hinayaan kong mawala sa aking harapan mismo ang aking mahal. At pinili ko 'yon, alam kong katangahan at oo umasa ako. Umasa ako na lilingon siya o kaya ay ilalahad niya ang kaniyang kamay sa akin at sasabihin niyang dapat kasama ako sa kaniyang pagtakas. Napatawa ako ng mapakla sa loob ng seldang ito. Ilang oras na ako nandito. Hindi ko alam kung dumating na nga ba ang araw ng paghuhukom o ano, hindi na ako nag-abala na magbilang para ano pa? Dahil nagtaksil ako, panigurado ang kamatayan na parusa. A quick drop and a sudden stop o pagbitay. "What a life," tanging saad ko. Walang bantay na nakatalagang magbantay sa a

