Revelation: Euphoria, madness, forlorn Karmy's Point of View Ang buhay ng tao ay binubuo ng mga desisyon. Mga desisyon na huhubog sa pagkato ng isang indibidwal at mga desisyon na magtutukoy sa hinaharap. Marami akong ginawang desisyon na pinagsisihan ko at marami ring mga desisyon ko na nagpatatag sa akin bilang ako. Ano man ang kahihinatnan ng isang desisyon dapat alamin na hindi na ito mababawi pa. Ang tanging magagawa na lamang ay tapusin ang daang tinahak maski napakahirap o napakadali man nito, bakit? Dahil wala nang magagawa pa. Isang katotohan na tila inukit na sa bato simula't sapol. Ngayon ay hindi ko alam kung ano nga ba ang mararamdaman ko habang nakatayo ako sa harapan ng isang pinto. Kanina pa ako nandito pero hindi ko magawang igalaw ang aking kamay upang buksan ang pintu

