Revelation: Spreading my broken wings, I wish I could fly again. Karmys' Point of View Nasa gitna ako ng malaking silid. Nakaluhod ako habang nakahawak sa aking nakagapos na kamay ang lalaking nagdala sa akin dito. na Daig ko pa ang binagsakan ng langit at lupa nang lumabas mula sa anino ng entablado si Seeichi. Kasabay nang pagdating niya ay ang pagyuko ng mga kalaban ko sa paligid na simbolo ng pagsaludo. Doon unti-unting gumuho ang mga pantasya ko para sa lalaking nasa harap ko ngayon. Ang pait ng pagtataksil, ganito rin ba ang naramdaman ni bheshy noon? Ganito rin ba kasakit na sampalin ng reyalidad? Nasa harap ko siya ngayon, ilang dipa lang ang layo sa akin. Diritso siyang nakatingin sa mga mata ko. Ang abuhin niyang mga mata na dati ay parang parating nang-iinsulto sa akin at lih

