Revelation: Can this be a nightmare? I simply wanna wake up. Karmy's Point of View Mabigat ang aking pakiramdam na para bang sinagasaan ako ng ilang kabayo. Mahirap man ay binuksan ko ng paunti-unti ang aking mga mata upang salubungin lamang ng kadiliman. Naamoy ko ang langsa ng tuyong dugo sa paligid at kahit wala akong makita alam kong napapalibutan ako ng mga tuyong dugo. Ramdam ko rin ang malamig na bakal na nakapalibot sa dalawang pulsuhan at paa ko. Walang duda nasa isang kulungan nga ako. Naalala ko na, natengga nga pala akong ng kalaban. Mula sa pagkakasalampak ay kinapa ko kung may dingding ba na malapit sa akin. Nang may nakapa ako ay unti-unti akong gumapang upang sumandal dito. Wala naman akong pinsala, epekto lang ito dahil sa kung anong itinusok nila sa'kin. Nang nakasanda

