“Oh, God, Adam! Of course, I will marry you!” maligayang sabi ni Jazcel habang kusang ibinibigay kay Adam ang kanyang kamay. He slid the ring on her fingers then he stood up and kissed her on the lips. Pagkatapos niyon ay nagyakapan silang dalawa. Malakas ang palakpakan ng paligid pero parang mas nabingi ako sa tunog ng puso kong unti-unting nababasag habang pinagmamasdan sila sa kinatatayuan ko. Humigpit ang paghawak ko sa aking bag. Ramdam ko ang kakaibang sakit na bumalatay sa buo kong pagkatao habang andito ako sa madilim na parte at pinagmamasdan kung gaano kasaya ang pamilya ko dahil sa proposal ni Adam. I did not expect this. Parang gusto kong umuwi pabalik ng Manila. I did everything to be here, para makaabot sa birthday ni Adam. Kahit gustong-gusto kong magpahinga, kahit pagod n

