Kahit na wala pang nakatakdang petsa na binibigay sila Adam at Jazcel ay hindi na magkandaugaga si Mama sa preparations ng kasal nila. Maya’t-maya niya na nga akong kinukulit para masimulan ko ang pag-design sa mga susuotin namin. Nakabalik na ako’t lahat-lahat sa Manila ay palagi pa rin itong tumatawag sa akin para magtanong kung nakapag-usap na ba kami ni Jazcel at kung nakapagsimula na ba ako. Hindi ko na nga lang iyon pinapansin dahil wala pa rin naman akong natatanggap na mensahe mula kila Adam. I don’t want to think about it yet. I don’t want to stress myself over it. “This dress is beyond perfection, Eva! I really loved the feeling of wearing this one. Saka tama ba ang narinig ko? This design is unplanned since the machine were broken? Ibig sabihin ay mano-mano mo itong inayos?”

