My brother never failed to protect me. Whenever he saw me crying, bigla ay makikita ko ang pandidilim ng mukha nito. Akala mo ay handang makipagbasag-ulo para hagilapin kung sino man ang nakapagpaiyak sa akin.
Ayaw na ayaw niya na nakakarinig ng mga kapwa ko bata na inaasar ako o kapag pinagsasalitaan ako ng masama. Mabilis na nag-iinit ang ulo niya pagdating sa mga taong hindi maganda ang tungo sa akin. That was very different with his patient and kind attitude whenever we were alone.
I can still remember that day that I was crying alone on the playground. Sinubukan ko kasi ulit na makipag-usap sa mga kaklase ko. I was trying my luck to have a friend a school. Para naman hindi ako masyadong malungkot dahil mag-isa ako dito.
Uwian nang oras na iyon at katulad ng madalas kong gawi ay sa playground ako madalas na naghihintay sa sundo ko. From their, I saw a group of my classmates walking also towards the playground.
Nakaramdam ako ng kaunting kaba habang nilalakasan ang loob na lapitan sila. I ready my smile and ang walked near them. Napansin kong nang makita nila akong palapit ay nagsihintuan sila sa pagtawa. Natahimik silang lahat at tumingin sa akin ng kakaiba.
“Hello!” maligaya kong bati sa kanila. Pinigilan kong malungkot nang makita ang pagsalubong ng mga kilay nila. They were a group of four girls. Lahat sila ay hindi maganda nag tingin sa akin.
“Pwede ba akong sumali?” mahina kong sabi sa mga ito. Hindi ko napigilan na masaktan nang umiling silang apat. My smile slowly disappeared.
“We don’t like you as a friend. Go away, freak!” matinis na sabi nito. Puro masasakit din na salita ang narinig ko sa iba pa niyang kasama.
As a child, I was easily hurt. I was starting to think why they didn’t like me. I was being kind to them. I just want to play with them and be one of them pero bakit ayaw nila sa akin? Am I different? Am I really a freak?
I was crying alone when I saw our car from afar. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Bagsak ang balikat ko na bumaba sa swing at nakayukong naglalakad papunta sa sasakyan.
I was already halfway where the car was usually parked when I felt a hand on my shoulders. Umangat ako ng tingin at nakita si Kuya Adam. He looked so worried at me at bilang iyaking bata ay hindi ko na napigilang mapahagulgol sa kanya.
I cried on him. I hugged him at isiniksik ang aking mukha sa kanyang damit. I was so sure that his shirt will be wet but it was not on my mind that time. Ang gusto ko lang nang mga oras na iyon ay ang makapaglabas ng sama ng loob sa Kuya ko.
He carried me and brought me inside the car. Narinig ko pa ang pag-aalala ng katulong at driver na kasama namin noong nakita nilang umiiyak ako.
Habang nasa sasakyan ay nakasiksik lang ako kay Kuya. Ayokong bumitiw sa kanya at gusto ko lang itago ang mukha ko. Sobrang sama talaga ng loob ko sa mga oras na iyon.
Naramdaman ko ang maingat na paglayo sa akin ni Kuya. Sinubukan ko nga na pigilan iyon ngunit mahina lang naman ako kumpara sa kanya. Nagawa niya nga akong kargahin, ano ba namang laban ko sa kanya kapag nilalayo na niya ako sa kanya? Kaya nga wala akong nagawa noon... kahit ngayon.
“Eva, why are you crying? Sabihin mo sa akin ang totoo.” Naramdaman ko ang pagtitimpi sa boses ni Kuya Adam. It was as if he was trying to calm himself but he couldn’t contain his anger upon seeing me cry.
“Kuya Adam, do I look like a freak?” malungkot kong sabi. Nanginginig pa ang boses ko habang nagsasalita. Nakita ko ang pag-igting ng panga nito. Nagsalubong ang kilay nito at halatang hindi nagustuhan ang tanong ko sa kanya.
“No! Who told you that, Eva?!” Lalo akong naiyak dahil sa sigaw nito. He looked so scary. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang ganoon.
Napayuko ako at nagsimula ulit na maiyak. Naramdaman ko ang ilang beses na paghinga ng malalim ni Kuya. After that, he lifted my chin to make face him again. He gently wiped away the tears that keep on falling. Marahan niyang inayos ang buhok kong nagulo at nakaharang sa mukha ko.
“Eva, look at me,” kalmado nitong sabi. I looked straight in his eyes.
“Do I look like a freak?” balik tanong nito sa akin. Mabilis akong umiling.
Of course not! He doesn’t look like a freak. Napakagwapo ni Kuya. He really is kaya naman sigurado akong maraming nagkakagusto sa kanya ngayon. Women would line up just to be noticed by him. Kahit hindi ko pa alam ang mga tungkol sa bagay na ito noon ay alam ko naman na hindi mukhang freak si Kuya Adam. He was very far from that.
“See? I don’t look like a freak and so do you. Magkapatid tayong dalawa kaya kung ano ka, ganoon din ako. Now, tell me, sino ang nagsabi sa iyo niyan?” Muling bumalik ang inis sa mukha nito.
“I was trying to talk to my classmates. Gusto ko sanang sumali sa laro nila para magkaroon ako ng friends sa school but they told me to go away. They called me freak. They didn’t like me, Kuya Adam. Walang may gusto na makipagkaibigan sa akin.” Nandilim ang mukha ni Kuya Adam. Saglit itong umiwas ng tingin sa akin at mangilang beses na huminga muli ng malalim.
Ilang sandali pa ay bumaling na ito muli sa akin. He gently held my cheeks. Nangungusap ang mga mata ito at lalo lang akong napaiyak.
“Don’t ever think of that, Eva. Kung ayaw nila sa’yo, then don’t push yourself on them. Makakahanap ka rin ng friends mo. Kaya siguro hindi ka nila gustong maging friend kasi masasama ang ugali nila. Ikaw, mabait kang bata at hindi rin naman ako papayag na magkaroon ka ng kaibigan na katulad ng mga iyon.” I was trying so hard to understand him but my heart was too wounded.
Pakiramdam ko ay magkakaroon iyon ng lamat sa puso ko. Baka mas lalo akong matakot na sumubok na makipagkaibigan sa iba. Baka tuluyan ko nang ilayo ang sarili ko sa ibang tao dahil sa takot na hindi ulit tanggapin. Being rejected left a hole on my heart.
“Huwag ka ng malungkot, Eva. I will talk to Mama and Papa regarding this. Hindi pa naman nagtatagal ang school year. Susubukan ko silang pakiusapan na ilipat ka ng school. Kapag kasi nanatili ka doon ay baka magtuloy-tuloy ang bullying sa’yo. I am never going to allow that,” mariing sabi ni Kuya Adam.
Mama was so furious the next morning. She even didn’t go to work para makasama sa akin sa pagpunta sa school. Kasama namin si Kuya Adam sa sasakyan. Si Papa ay nakaalis na kanina papunta sa trabaho. Saktong-sakto pa nga na walang pasok si Kuya kaya nagpumilit itong sumama.
I wasn’t wearing a uniform. Sabi kasi ni Mama ay hindi naman na kakailanganin dahil lilipat na rin naman daw ako ng school.
Pagkarating sa school ay saktong pasukan na rin. Hinawakan ni Kuya Adam ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa gate. Nauna na si Mama na maglakad doon. Hindi rin talaga biro ang nakikita kong galit kay Mama. I suddenly felt scared.
I saw the group of girls entering our room. Nakita kong napatingin ang mga ito sa akin saka nila ako sinamaan ng tingin. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Kuya Adam at napayuko.
Huminto kami sa paglalakad. He suddenly kneeled infront of me.
“Don’t be scared. I am here. Hindi ko hahayaan na mapagsalitaan ka ulit ng ganoon. You’re my princess and you didn’t deserve to be treated that way. I will serve them a lesson,” mariing sabi ni Kuya Adam.
Muli na itong tumayo at dumiretso kami sa office ng school. Agad na bumungad sa akin ang pagwawala ni Mama sa principal.
“Ayan, that’s my daughter! Nakikita niyo ba kung gaano kamaga ang mata ng anak ko? Goodness! I chose this school because it was private. Medyo kampante ako na maganda ang quality ng education at walang instances ng bullying or anything but this school disappoints me!” The principal was trying to calm her. Kahit ako ay natatakot na sa nangyayari sa mga oras na iyon.
Humigpit ang hawak sa akin ni Kuya Adam. I looked up to him and saw him that he was looking at me. It was like he was assuring me that everything is going to be okay. I have him and I have nothing to worry. He would never let anything bad happen to me and he was willing to protect me at all cost. Mapait akong napangiti. All of that were gone now.
“I can’t believe that this school tolerates bullying! Catholic school pa man din kayo tapos hindi niyo maturuan ng magandang asal ang mga estudyante niyo? I demand for her documents. I will pull her out of this school! Hindi deserve ng anak ko ang ganitong treatment,” galit na sabi ni Mama.
“Mrs. Peñafiel, please calm down. Pwede naman pong mapag-usapan. Let’s try to talk with the kids who allegedly bullied your daughter. Let us hear their side first...” Hinarap ako ng principal. She nervously smiled at me.
“Anak, can you tell us who bullied you? Kakausapin namin sila.” Bago pa ako makapagsalita at makasagot sa tanong ng principal ay humarang na si Kuya. Itinago niya ako sa likod niya. Para bang pinoprotektahan ako at ginagamit niya ang kanyang sarili para doon.
“Para saan pa po, Ma’am? Dito rin po ako nakapagtapos noong elementary and I was very aware of the bullying going on in this school for years. Hindi ko lang po binigyan ng pansin noon dahil hindi naman ako apektado. Now that my sister is experiencing it, hindi ako makakapayag na basta-basta na lang na ganito ang gawin niyo. This isn’t something to be resolved. Please let us pull her out of this school.” He stood by me bravely.
During that time, I admired his courage. He was willing to go all the way to save me.
“My son is right. Huwag na kayong mag-abala na baguhin ang isip ko dahil hindi mangyayari iyon. Sayang lang ang binayad ko sa school na ito. Give me her documents or I will report this school to the police,” pagbabanta ni Mama.
Nakita ko ang takot sa mukha ng principal. Hindi na ito nakapalag at agad na tumawag sa staff para makuha ang mahahalagang documents na kakailanganin para mailipat ako ng school.
Pinauna na kami ni Mama pabalik sa sasakyan habang hinihintay nito ang mga papeles ko. My brother was silent while we were walking back to the car. Tumingin ako sa paligid at napansing maraming bata sa labas. May mga dala-dala itong mga pagkain habang ang iba ay masayang nagtatakbuhan.
Napadaan kami sa playground at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita namin ang apat na babaeng nagpaiyak sa akin kahapon. Nagulat ako kay Kuya nang imbis na lagpasan namin ang playground ay maingat niya akong hinila palapit sa grupo ng mga babae.
Umangat ang tingin sa amin ng mga kaklase ko.
“Say sorry to my sister,” diretsong wika ni Kuya Adam. Napansin ko ang takot sa mukha ng mga babae kong kaklase ngunit sadyang maldita talaga ang mga ito.
“No! I will never say sorry to a freak!” Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Kuya. Umigting ang panga nito at masamang tinitigan ang mga kausap.
“Say sorry to her o dadalhin ko kayo sa office para maparusahan ni Mrs. Calderon.” Nanlaki ang mga mata ng kaklase ko. Mrs. Calderon is the guidance councellor of our school. Lahat ng mga bata ay takot sa kanya. Sobrang sungit kasi nito at talagang magtitino ka na kapag nakalabas ka ng guidance.
Isa-isang nag-sorry sa akin ang mga ito saka mabilis na nagsitakbuhan pabalik sa classroom. Pinanuod ko silang apat habang palayo sila sa akin.
Muling lumuhod si Kuya sa harap ko at marahang hinaplos ang mukha ko.
“If this ever happened again, sabihin mo agad sa akin. I will not tolerate this. You are so kind to experience this. Don’t worry, baby. Kuya will forever be here for you.”
Muli, napangiti ako nang mapait. Forever. Big word. Napakadaling sabihin pero napakahirap tuparin. I didn’t know that forever is now definite. Pagkatapos kasi ng labing-dalawang taon ay wala na siya sa tabi ko. Nawala ang tagapag-tanggol ko.