“Eva!” Napalingon ako nang tawagin ako ni Tamara, ang isa sa mga matatalik kong kaibigan ngayong kolehiyo.
“You’re spacing out again. Ano nanaman ba ang iniisip mo?” kalmadong tanong ni Alana, isa ko pang kaibigan.
“Mali naman kayo ng tanong eh, sino ba ang iniisip mo, Eva?” nakangising tanong ni Shienel, ang pangatlo kong kaibigan.
Silang tatlo ang naging malapit sa akin nang tumuntong ako sa kolehiyo. We both came from different high schools here in Abra kaya naman nang pumasok kami ng college ay pare-pareho kaming walang muwang.
Lahat kami ay walang kakilala sa paligid noon kaya siguro mabilis kaming napanatag sa isa’t-isa dahil pareho kaming apat na walang kaibigan doon. Mula nang maging kaibigan ko sila ay sila na lagi ang kasama ko. Hindi kami naghiwa-hiwalay ng section tutal pare-pareho naman ang course namin kaya naman kahit nasa second year na kami ay intact pa rin ang samahan namin.
“What are you talking about, Shienel? Sino naman ang iisipin ko?” May idea sila sa malayong relasyon ko sa Kuya ko.
Iyon ang unang na-ishare ko sa kanila noong minsan kaming magkaroon ng seryosong usapan. They were quite sad on our current situation but they never fail to comfort me whenever I was feeling down.
“Sino pa ba? Edi si Lucas! Kasi naman, Eva, kung hinahayaan mo na si Lucas baby na manligaw sa iyo ay sana hindi na nangungulit ng sobra sa iyo ‘yon.” Hindi ko napigilang mapailing nang marinig ko ang pangalan ni Lucas. I wasn’t even thinking of him. How can she be so sure that I was thinking of that guy?
“If you really want Lucas for Eva, then stop calling him baby, Shienel.” Hinampas ni Tammy si Shienel. I don’t know but it was Shienel’s habbit to add ‘baby’ or other endearment to every guy here in school.
Noong unang beses nga na may tinawag siyang lalaki, Ismael is the name and when she called him Ismael baby, unang naisip namin ay boyfriend niya ang lalaki. Pero noong mapansin namin na kada lalaking makakausap niya ay may kasunod na ganoon ay nasanay na lang din kami.
“Tammy, old habbits die hard. Tapos ka na ba sa assignment, Alana? Patingin nga, kuha lang ako idea.” Sabay-sabay kaming tumawa. We know for sure that she’s going to copy Alana’s work. We all do it anyway but she liked to say it in a more discrete way.
Binigay ni Alana ang papel niya at sabay-sabay na kaming kumopya doon. Alana, obviously is the smartest among us. She’s a consistent scholar mula pa noong unang tungtong niya dito. She graduated as a valedictorian in high school. She’s really smart in academics but super innocent of the things outside of school or beyond our books.
Siguro you really can’t take it all. Sobrang talino niya at siya talaga ang nagbubuhat sa amin ngayon. Ambag na lang namin ang kwento sa kanya, kaunting libre at suhol.
Unang natapos si Tammy magsulat. Akmang dudukdok na ito sa lamesa para makatulog nang may lumapit sa aming lalaki, specifically to her.
“Tammy, pwedeng mahingi ang number mo?” Nangangatog pa ang lalaki habang panis ang ngiting nakaharap kay Tammy. Kita ko ang agarang pag-irap ni Tammy but before she could talk, naunahan na siya ni Shienel. Napakadaldal talaga ng babaeng ito.
“Rafael babe, don’t you hear the news? Lahat ng nagtatangkang lumapit kay Tamara, nababaog. Nako, kawawa ang mapapangasawa mo...” Nagkatinginan kami ni Alana at mahinang nagpigil ng tawa. Bukod sa pagiging madaldal, she’s really funny. She can’t filter her words and everything she says, kahit seryoso naman ang usapan ay nagmumukhang nakakatawa.
Hindi namin napigilan ni Alana na mapatawa nang makita ang takot sa mukha ng lalaki. Nakisali pa ang malakas na tawa ni Shienel kaya naman agad kaming sinitsitan ng librarian. Tumikhim ako at tinignan si Tammy. She doesn’t looked amused at all. Masama lang ang tingin niya sa lalaki.
“First of, don’t call me Tammy because we are not close. Second, Shienel’s right. Mababaog ka kapag lumapit ka sa akin. Kaya please lang, leave me alone and tell that to other guys who are planning to go near me as well. Naiintindihan mo ba?” iritableng sabi ni Tammy.
Dali-daling tumango ang lalaki at tinalikuran kami. Pagkatapos niyon ay dumukdok na sa lamesa si Tammy at tuluyang natulog.
Tammy has a lot of appeal that’s why guys were lining up just to get a chance on her kaso mas gusto pa ata nitong matulog kaysa makipag-usap sa kahit na sino. Medyo snob din ito at hindi maganda ang tabas ng dila lalo na kapag inaantok, which is most of the time.
“Eva, are you okay?” bulong sa akin ni Alana. Siya ang katabi ko ngayon habang si Tammy at Shienel ay nasa harapan namin. Tammy is sleeping while Shienel is watching something on her phone.
“Yes, why?” kalmado kong tugon dito. Tumango ito at nagkibit-balikat.
“You’ve been spacing out a lot these past few days. Umuwi ba ang Kuya mo?” Umiling ako sa kanya at malungkot na ngumiti.
“Nope but I kind of remember something from the past which includes him kaya siguro natulala ako. Thanks for your concern, Alana.” Ngumiti ako sa kanya.
I really appreciate them a lot, especially Alana. Siya kasi ang madalas kong nakakasama at nakakakwentuhan. Minsan kasi ay tatlo lang kaming nagkakasama. Shienel would always be missing in action. Magugulat na lang kami nasa room na siya for our next subject while Tammy, of course, she’s with us but she’s sleeping.
Kaya naman si Alana ang madalas kong nakakausap sa ganitong bagay. She’s a good listener, dagdag pa na seryoso siyang kausap palagi, unlike Shienel. But I love them all equally. I just felt like I was a little closer to Alana.
Uwian nang araw na iyon ay napagpasyahan na magpunta muna kami sa mall saglit. Nagpapasama kasi si Shienel. May bibilhin daw ito na gown para sa event ng pamilya nila. She needed our comments para raw makapamili. She wanted to be the most beautiful woman there kaya kailangan niya ng tulong namin.
Lumingkis ako sa braso ni Tammy nang makita na nakasimangot ako. Magkakasabay kami nila Alana na naglalakad habang si Shienel ay nauna ng naglalakad. Kumapit din si Alana sa kabilang braso ni Tammy and we started talking to her sweetly.
“Tammy, huwag mong papatayin sa isip mo si Shienel, pagbigyan mo na ang pinakabata,” biro ni Alana. I giggled.
“She’s our friend, Tammy. I know you’re already thinking of a plan on how to get away from this pero hindi ka namin hahayaan. You already had enough sleep from the school the whole day kaya samahan na natin si Shienel.” Napangiti ako nang unti-unting kumalma ang mukha ni Tammy. Of course, she can’t say no to us kaya kasama namin siya dito.
Mukha mang labag sa loob ang pagsama niya pero alam naming lahat na okay lang naman sa kanya ito.
“Pasalamat talaga iyang si Shienel at pati kayo ay kaibigan namin dahil kung kaming dalawa lang siguro ang magkasama baka hindi na ako nakapagpigil at binigwasan ko na ang babaeng iyan.” Umiling siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
Napahinto kami sa paglakad nang huminto rin si Shienel at hinarap kami.
“I can hear you, Tammy. No choice ka kasi friend mo rin ako. Saka kahit di mo naman sabihin alam kong love na love mo ko eh, diba? Love love mo ako?” She started talking like a baby. Iyon kasi talaga ang weakness ni Tamara.
When someone is talking to her sweetly or in a baby way, hindi niya mapigilang manlambot at mapapayag na lang. Kaunting lambing lang ang kulang kay Tammy at masaya ako na kami ang pumupuno niyon sa buhay niya.
Sumiksik sa amin si Shienel at kahit naglalakad kami ay nakayakap siya ng patagilid kay Tammy. Hindi na lang namin maiwasan ni Alana na mapatawa habang pinagmamasdan silang nagkukulitan hanggang sa makarating kami sa shop kung saan mamimili si Shienel.
We were greeted by the staff at magalang naming sinuklian iyon. Dumiretso agad si Shienel sa fitted gown sections at nagsimulang mamili. Hinayaan muna namin siyang mamili ng ilang gowns para maisukat ang mga iyon.
Nanatili kami sa waiting area. Hindi ko alam kung magandang bagay bang may kumportableng sofa dito sa waiting area dahil halos humilata na si Tammy doon. Kami na lang ni Alana ang nahihiyang humingi ng dispensa sa staff. This girl can sleep literally anywhere. Kaya hindi dapat iniiwan ang babaeng ito mag-isa sa labas.
Lumabas si Shienel at inirampa ang unang gown na napili niya. Napatango ako at namangha sa ganda ng damit sa kanya.
“What do you think, girls?” nakangising tanong ni Shienel.
“It definitely looks good on you. I love the design and the color. You look beautiful on that dress, Shienel.” Halos pumalakpak ang tenga niya sa sinabi ko.
“Yup, I agree with that but I think, something is off with the beads. I felt like something isn’t match.” Tumango-tango si Shienel.
“Same, Alana. I also felt that. Tammy?” Sabay-sabay kaming napalingon kay Tammy na halos humihilik pa habang kumportableng nakasandal sa malambot na sofa.
Mahina namin siyang siniko at dahil doon ay nagising siya. Masama ang tingin nito sa paligid hanggang sa dumako ang tingin nito kay Shienel na nakaangat ang kilay habang nakatingin sa kanya.
“Tammy! Just for once, huwag ka namang matulog,” naiinis na sabi ni Shienel.
“Eh kasi sabi ko naman sa inyo na uuwi na ako dahil inaantok na ako. Makulit ka ha.” Saglit niyang pinagmasdan ang gown na suot ni Shienel.
“Maganda.” Nagsalubong ang kilay namin dahil sa kumento ni Tammy.
“Iyon na ‘yon? Wala ka manlang ibang sasabihin?” inis na sabi ni Shienel.
“Edi ang pangit.” Pinigilan namin si Shienel na sugurin si Tammy. These two were close pero para rin talaga silang aso’t pusa kung mag-asaran.
Muling bumalik si Shienel sa fitting room at makaraan ang ilang pagsukat niya sa mga gowns ay sa wakas, nakapili rin kami ng pinakabagay at pinakamaganda sa kanya. Bilang pakunswelo ay nilibre niya kaming kumain sa isang restaurant. The Aristocrata.
Habang naghihintay sa order ay hindi sinasadyang napatingin ako sa TV kung saan binabalita ang isang successful project ng LVLEX at parang kinurot ang puso ko nang makita ko si Kuya Adam na kabilang sa mga engineers na na-interview sa nasabing balita.
Kuya is still new in the industry but he’s already making names on his own. Halos isang taon pa nga lang ata nang makapasa ito sa board exam ay halos pag-agawan siya ng naglalakihang construction companies such as the GA, Megawide, Stonerich and many more.
Now, he is currently working on GA as an entry level engineer pero ayon sa kwento ni Mama, the owner of the company, Mrs. Graciella Alcantara see the potential in him that’s why pinapasama na siya sa mga malalaking projects tulad ng LVLEX, it is a very long expressway that will connect Luzon to Visayas in just 12 hours of travelling by land.
It was a great project kaya naman napabalita ito sa TV. And now, seeing him grow on his own, without me, saddened me. I really can’t believe that he could go on with his life without even fixing our relationship as siblings.
Hanggang ngayon ay may mga katanungan pa rin sa akin pero mas pinili ko na lang na patayin ang mga iyon dahil alam kong hindi naman na iyon masasagot. Kung masasagot man iyon in the future then it’s good pero kung wala na talagang chance, then I know that I will be okay.
“Eva, don’t be sad. Ang saya-saya natin kanina oh, huwag mo ng panuorin si Kuya Adam.” pang-aalo sa akin ni Alana. Napansin ko ang pag-angat ng tingin sa akin ni Tammy. Tila bigla itong nagising at nag-aalalang tumingin sa akin at sa TV na tinitignan ko.
“Gusto mo bang ipapatay ko ang TV?” seryosong sabi ni Shienel.
“Gusto mo bang ipapatay ko ang Kuya mo?” Halos mabulunan kaming lahat sa sinabi ni Tammy. Galit ko siyang pinagsabihan.
“Not funny, Tammy! Bawiin mo iyon. He’s still my brother. Huwag ka nga.” Kumatok sa lamesa si Alana at napadasal dahil sa sinabi ni Tammy. The latter just laugh.
“Lord, joke lang po iyon. Huwag po kayong maniwala sa sinasabi ni Tammy. Sana po mapanaginipan niya ang mga multo mamayang gabi bilang ganti,” malakas na dasal ni Alana. Hindi ko napigilang kumalma at mapangiti.
“Just kidding, masyado kang malungkot. Kanina pa iyan. Alam kong siya ang iniisip mo nitong mga nakaraan, Eva. Stop thinking too much about him when he didn’t even treat you nicely.” Huminga ako nang malalim.
“Ang hirap kasing hindi pansinin. Alam niyo iyon, I am trying really so hard to just move on with my life kaso ang hirap iwasan dahil kapatid ko iyon eh. Mabuti sana kung boyfriend ko siya, pakiramdam ko mas mabilis akong makaka-move on sa mga nangyayari but he is my brother. We run the same blood at habang-buhay kong dala-dala ang lahat ng lungkot, sakit at mga tanong kung bakit kami humantong sa ganito.”