Five long years had passed since he went to Manila for his studies. Hindi ko namalayan ang mga panahon na iyon lalo pa at mas pinili ko na mag-focus na lang sa pag-aaral kaysa ipagsisikan pa ang sarili ko kay Kuya Adam.
In that five years, ni hindi na ako nagtangka na tawagan siya sa cellphone, or even chat him in f*******:. Mayroon ding mga himalang pagkakataon na kusa siyang umuuwi dito at kapag nalaman kong nasa bahay siya ay mas pinipili kong magkulong sa kwarto. Hindi naman siya tumatagal dito ng ilang araw at bumabalik din siya sa Maynila.
I was already on my first year in college that time. Everything was so different now. Nagkaroon na ako ng mga kaibigan at kahit papaano ay kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. I can now live my life without Kuya Adam and I thought that it was a good sign.
Mas naging abala ako lalo noon sa pag-aaral dahil iba na ang kalakaran sa kolehiyo. It’s either you will strive hard to pass or neglect everything to fail. Ayoko naman na maging disappointment kila Mama. It’s already one thing that they let me take the course that I wanted. I want to be a designer.
Nang magkaroon na ako ng malay sa sarili ko ay nagkaroon ako ng obsession sa mga damit. Sa tuwing bakasyon ko noong high school ay nakakapuno ako halos ng tatlong sketch pad kung saan iginuguhit ko ang lahat ng gowns, dresses or clothes na gusto ko.
I saw how Mama was amazed when she saw one of my sketches. Agad niyang ipinakita iyon kay Papa at napakaswerte ko lang talaga sa kanila dahil suportado nila ang gusto kong gawin kahit malayo iyon sa negosyo ng aming pamilya.
We own a manufacturing company. We have three warehouse kung saan ginagawa ang mga lata na ginagamit nga mga kilalang kumpanya ng pintura. Minsan na akong nakadalaw doon at masasabi kong maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa dami ng tauhan at sa hilera ng mga lata na naka-display noon na ready para sa delivery.
Mabuti na lang at may mapagkakatiwalaang kamag-anak si Papa at ito ngayon ang tumutulong sa pag-handle ng kumpanya. Ni isa kasi sa amin na anak nila ay pinili ang ibang direksyon.
Kuya Adam took Civil Engineering at ayon sa pagkakarinig ko ay graduating na ito ngayong taon. I have no idea if he plan to come home here to review for his exams or just to stay there in Manila until he get his license and probably, he will work there.
Okay na rin iyon. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag umuwi pa siya dito at naisipan niyang dito ulit tumira at magtrabaho. Although I was very sure that he won’t, hindi pa rin maaalis ang possibility.
I was so exhausted when I came home that time. Iyon na ang last day at naipasa ko na ang lahat ng final requirements. Medyo kinakabahan lang ako kung may subjects akong bagsak. Sana wala, hindi naman kasi ako kasing talino ni Kuya Adam na running for Magna c*m Laude.
“Eva, pack your things. Uuwi tayo ng Manila sa next day. Graduation ng Kuya mo! Of course, we shouldn’t miss that for the world!” Kita ko ang tuwa kila Mama lalo pa nang makumpirma nga na pasok si Kuya sa latin honors.
I smiled sadly. I couldn’t be more proud of my brother. Kahit hindi na maganda ang relasyon namin ngayon, he is still and forever be my brother.
“Ma, do I need to come?” mahina kong tanong dito. Napatigil siya at nagtatakang tumingin sa akin.
“What are you talking about? Of course you should be there! Hahanapin ka ng Kuya mo!” Hindi ko napigilang malungkot lalo. I highly doubt it. Baka nga mas matuwa pa iyon na hindi niya ako makita doon. Baka mas masira pa ang kasiyahan niya ngayong naka-graduate siya dahil naroon ako.
If he doesn’t want me there, then it’s totally fine with me. Sanay naman na akong laging hindi nararamdaman sa tuwing may okasyon na related kay Kuya Adam.
Kinakabahan ako habang nakatingin sa bintana ng eroplanong sakay namin. Nakailang beses akong nagdahilan kila Mama para hindi na makasama pero hindi sila pumayag. They were so firm that I have to be there. Hindi raw matutuwa si Kuya Adam kapag wala ang nag-iisa niyang kapatid doon.
Nakakagulat na wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa amin ni Kuya. I don’t know if they were just so busy or what para mapansin ang malaking hidwaan sa amin ng kapatid ko. Or maybe, I was just good in hiding it and so is Kuya Adam. We both knew that it would be best if our parents wouldn’t know anything about it.
Palala nang palala ang kaba ko lalo na nang tinatahak na namin ang pamilyar na daan papunta sa condo ni Kuya. This was probably only the second time that I was here. Pagkatapos kasi noong unang beses na nagpunta ako dito ay palagi na akong tumatanggi kila Mama kapag gusto nilang bisitahin si Kuya.
The last time we talked left a huge hole in my heart. Sobra akong nasaktan doon and it took me almost months to get over it. Ayoko na ulit makarinig ng ganoon kay Kuya kaya ako na ang kusang umiwas.
Pagkarating sa condo ay maligayang nagyakapan sila Kuya at ang aming mga magulang habang ako ay nakatayo lang sa malayo at umiiwas ng tingin sa kanya. Ngayon na lang ulit kami magkakaharap. Ngayon ko na lang ulit siya makikita and I wanted so hard to not look at him pero hindi ko napigilan.
Nagtama ang mata naming dalawa. First thing I noticed was his long hair. Abot na iyon sa kanyang balikat. Hindi ko alam na nagpahaba pala ito ng buhok. I had a great time ignoring him to not notice that. Sunod kong napansin ang malaking pagbabago sa kanyang katawan. Mas tumangkad ito.
Tumangkad na ako ngayon at halos kasing tangkad ko na si Mama but Kuya Adam was way more taller. Halos ka-height niya na si Papa and I was just at Papa’s shoulders!
“Congratulations, Adam! You made us so proud!” naiiyak na sabi ni Mama. Ngumiti si Kuya dito.
“Thank you, Ma.” I was even more shocked when I heard his voice. Mas malalim na ngayon at nai-imagine ko na ang takot ko sa oras na masigawan niya ako gamit ang boses na iyon. Baka manggaling na sa ilalim ng lupa ang boses niya kapag ganoon.
“Eva, ano ka ba naman! Bakit nandiyan ka sa sulok? Halika nga at batiin mo ang Kuya mo!” Hinila ako ni Mama palapit kay Kuya Adam. Ganoon na lang kabilis ang t***k ng puso ko nang tuluyan na kaming nagkaharap ni Kuya.
I saw how serious his face was kaya mas lalo akong natakot sa kanya. Ilang beses ata akong palihim na huminga nang malalim bago ako tuluyang nakapagsalita.
“C-Congratulations on your graduation, Kuya...” mahinang pagbati ko dito. Nabigla ako nang niyakap niya ako ngunit saglit lang iyon.
“Thanks.” He said in a cold voice. Doon pa lang ay alam ko ng kaya niya lang ako niyakap sa oras na iyon dahil naroon sila Mama. Ayaw niyang makahalata ito kaya umakto itong normal sa harap nila but to me, it was different.
Sa paraan ng pagkakayakap niya, there was nothing on it. No care, no love and no affection. Just a pure hug and the way he said his thanks, alam mong napilitan.
Itinago ko ang naramdamang sakit saka ngumiti sa kanya. Saglit itong napatitig sa akin at nang hindi makayanan ay nilingon ko sila Mama.
“Mama, pasok na po ako sa kwarto. Medyo napagod po ako sa biyahe,” nanginginig kong sabi.
Tulad noong unang beses na nandito ako ay sa kwarto ako ni Kuya mag-stay. Pagkapasok na pagkapasok ko doon ay agad kong ni-lock ang pinto. Dumiretso ako sa kama at napaiyak na lang doon.
I thought I was already okay with it. Akala ko sanay na ako sa ganoong trato ni Kuya pero akala ko lang pala iyon dahil hindi naman na kami nagkakaharap noon. Iba pa rin pala ngayong nakaharap ko siya ulit. Ang sakit na makita at maramdaman mismo sa kanya kung gaano niya ako kaayaw na malapit sa kanya. It hurts even more when he made me feel that I was already a nobody to him even after the years had past.
Pinilit kong kumalma at kinuha ang bag ko. Inilabas ko doon ang regalong hinanda ko para sa kanya. Kahit kasi alam ko na ganito ulit ang mangyayari sa muling paghaharap namin, there was still a part of me that was hoping that he already changed.
I was hoping that he missed me, and that he was sorry for everything he did. I was thinking that maybe now that he finished studying, wala ng stress sa kanya at pwede na ulit kaming magkaayos. I already matured at alam ko naman na kung kailan siya busy o hindi pero hindi pa rin pala.
I was almost ready to forgive him kahit isang beses lang siya na mag-sorry at mag-approach sa akin. Isang salita niya lang na magbati na kami ay iiyak na ako kaagad at papayag sa gusto niya pero hindi ganoon ang nangyari.
Tumayo ako at inilagay ang regalo ko sa closet ni Kuya. Hindi ko kayang ibigay iyon ng direkta sa kanya dahil baka itapon niya iyon pabalik sa akin. Atleast if he saw this and I was already gone back to Abra, hindi ko makikita na itinapon niya ang bigay ko.
Noong mismong araw ng graduation ni Kuya ay hindi ko alam kung paano ko nakumbinsi sila na Mama na hindi na sumama sa event hall kung saan gaganapin ang graduation. Tutal kasi ay maiiwan lang din ako sa kotse dahil sila lang ni Mama at Papa ang makakapos sa event hall ay baka kaya sila pumayag.
Ako ang tumulong para sa pag-aayos ng handa dito sa condo ni Kuya Adam. Noong una ay balak sana ni Mama na magpa-party. Nakahanda na nga lahat ng gusto niyang imbitahin pero pinigilan siya ni Papa at ni Kuya. It was way better to celebrate it intimately.
Kaya naman napagkasunduan nila na magpa-cater na lang ng kaunting pagkain para sa amin at iyon ang pinagkaabalahan ko ngayon. Nang tumawag sila Mama na tapos na raw ang ceremony ay naligo na ako at nag-ayos.
I wore a simple baby blue dress. Katamtaman ang haba niyon, exposing only an inch above my knee. Fitted iyon sa mula sa aking dibdib pababa sa aking bewang. Hindi daring ang damit at may sleeves iyon. Nag-ayos din ako ng kaunti sa mukha dahil nakasanayan ko na iyon sa tuwing pumapasok.
Nang marinig ko ang katok nila ay nagmadali ako para pagbuksan sila. Nawala ang ngiti ko nang makita ko si Kuya. Siya pa lang ang naroon. Pasimple akong lumingon sa likod niya pero wala pa sila Mama. Tumikhim ako at nilaparan ang pagbukas ng pinto saka hinayaang makapasok si Kuya.
“Nasaan sila Mama, Kuya?” It took me a lot of confidence to ask him that. Ganoon na ako katakot kay Kuya Adam. Gone is the feeling of being comfortable with him.
“Bakit ka nakaayos ng ganiyan?” I wasn’t expecting that question from him. Akala ko nga ay hindi niya ako sasagutin sa tanong ko, worst is kung sasagot man siya, pabalang iyon.
Kinabahan ako ng sobra at hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng salita para isagot sa kanya.
“A-Ahh, naisipan ko lang na m-mag-ayos, Kuya. Kasi mahalagang celebration ito para sa iyo...” nanginginig kong sabi. He suddenly faced me. Nakita ko ang paglandas ng kanyang mata sa kabuuan ko. Bigla ay nagdilim ang mukha nito at umigting ang panga.
“Are you wearing such clothes in Abra?” I was surprised! Kinakausap niya ako! Kahit galit ang itsura nito ay hindi ko pa rin maiwasan na mabuhayan ng loob dahil after five years, nagkaroon kami ng maiksing usapan kahit papaano.
“M-Minsan, Kuya. When there was an event of school, or hanging out with friends.” Tila mas lalo siyang nagalit sa sinagot ko. It was like he didn’t like my answer. But I was really telling the truth.
I want to be a designer and it has been a habit for me to wear beautiful clothes that will compliment my skin and body. I was always praised for having a good taste for fashion.
“So you already know what hanging out with friends means? Ano iyon, nawala lang ako saglit, natuto ka na ng mga ganiyan, Eva Mikaela?” Pansin ko ang diin sa pagkakasabi niya sa buong pangalan ko.
Halos tumayo ang balahibo ko. That was the firs time he said my two names. Madalas ay Eva ang tawag niya sa akin kahit noong nag-aaway kami noong mga bata kami. Lalo akong kinabahan.
“Alam naman nila Mama ang mga iyon and I also asked permission to Dad. Pinapayagan naman nila ako, Kuya Adam.” Tumingala ito at ilang beses na huminga ng malalim. Nang matapos iyon ay tinitigan niya ako sa mata.
“I told you to be aware of the things you were wearing tapos malalaman kong ganiyan ang pormahan mo sa Abra? You know what, forget it. Wear everything you want. Do all the things that you like. Wala naman na akong pakialam sa iyo.” Agad niya akong tinalikuran pagkasabi niya niyon.
I felt a huge pang on my chest. Out of all the hurtful words he told me, ito ang pinakamasakit. Harap-harapan niyang sinabi sa akin na wala siyang pakialam sa akin. Hindi ko alam kung may mas malala pa ba siyang masasabi sa akin bukod dito but I was hoping to never hear it at all.