Tuluyan ko nang naramdaman ang panlalamig ni Kuya sa akin. Talagang napapalayo na ang loob namin sa isa’t-isa at hindi ko malaman kung bakit nagkaganoon. Noong nandito pa siya ay maayos naman kami pero simula nang lumipat siya sa Maynila ay tila kinalimutan na niyang may kapatid siyang naiwan sa Abra.
I knew right there and then that my life changed a lot because of that. Naalala ko noong halos anim na buwan na ang lumipas. Magpapasko na noon at excited ako dahil nasabi naman nila Kuya noon na uuwi siya kapag ganitong holidays.
I expected him to go home in Abra a week before Christmas pero ganoon na lang ang lungkot ko nang ibalita sa akin ni Mama na hindi raw makakauwi si Kuya Adam ngayong Pasko. Sobrang dami raw nitong ginagawa kahit pa Christmas break nila sa college.
Hindi ko na malaman kung saan ko ilulugar ang pagtatampo ko kay Kuya sa mga oras na iyon. Ilang beses na akong umaasa na uuwi siya pero lagi na lang hindi natutupad.
Noong natapos ang unang semester niya ay akala ko uuwi siya dito sa Abra. Kahit papaano kasi ay may dalawang linggo silang bakasyon. Kahit isang linggo raw itong mag-stay dito ay kaya naman para sa pangalawang linggo ay uuwi ito para asikasuhin ang enrollment. Ngunit hindi pa rin ito umuwi. Hindi ko na nga matandaan kung ano ang idinahilan noon ni Kuya.
Hindi ko na rin siya nagawang tawagan dahil sa naging huling pag-uusap namin. Ayoko magalit ulit si Kuya ng ganoon sa akin kaya kahit gustong-gusto ko siyang matawagan ay pinigilan ko ang sarili ko. Napag-alaman ko na lang din kila Mama na nagpalit ito ng number kaya kahit anong subok ko rin pala ay wala ring mangyayari.
Pinilit ko na lang na makuntento sa pakikinig ng usapan nila ni Mama at Papa. Kahit kailan ay hindi rin naman niya ako tinanong sa mga ito o hinanap. Minsan, kapag nagkukusa sila Mama na ipakiusap si Kuya sa akin ay bigla itong magsasabi ng kung anong dahilan hanggang sa tuluyan na nitong ibaba ang tawag.
Unti-unti na akong lumalaki noon at unti-unti ko na ring nauunawaan ang nangyayari. Kahit hindi malinaw sa akin kung bakit ay alam kong umiiwas sa akin si Kuya. Siguro ay may nagawa akong sobrang ikinagalit niya. O baka ayaw niya muna akong makausap kasi sobrang kulit ko at baka hindi ito makapag-focus sa pag-aaral.
Ako na lang ang kusang nag-iisip ng dahilan kung bakit ako hindi pinapansin ni Kuya para kahit papaano ay mapanatag ang loob ko.
Nalalapit na ang araw ng Pasko at hindi ko maiwasang malungkot ng sobra dahil ito ang unang Pasko na wala si Kuya sa bahay. Ito ang unang Pasko na hindi kami magkasama. Bigla kong naalala ang nakaraang mga taon. Para akong maiiyak dahil napakasaya pa namin ni Kuya noon. Maayos pa ang relasyon namin at sobrang close pa naming dalawa.
Pakiramdam ko ay napakabilis ng pangyayari. Sa loob ng isang taon ay napakaraming nangyari sa pagitan naming dalawa. Sa isang iglap ay nagbago ang lahat.
“Raymond, can’t you convince Adam to go home even just for three days? Kahit sa 24 hanggang sa 26 lang, okay na iyon. Hindi ko kayang maging masaya ngayong Pasko nang hindi tayo kumpletong nagdiriwang dito.” Napaangat ang tingin ko kay Mama at nakaramdam ng lungkot.
Totoo iyon. Hindi lang naman ako ang nakakaramdam nito, tiyak na sila Mama at Papa rin. Hindi namin magagawang maging masaya dahil alam naming may kulang. Hindi masaya kapag hindi kumpleto ang pamilya namin. Apat na nga lang kami sa pamilyang ito, hindi pa makukumpleto?
“I’m trying, Ariana. Pero kilala mo si Adam, once he said no, it’s really a no. Saka intindihin na lang natin dahil hindi naman biro ang kurso niya doon.” Tumingin sa akin si Papa. Tila sinusukat niya ang emosyon ko. Alam kong alam niya kung gaano ko na-mi-miss si Kuya Adam.
“I can’t believe we will be celebrating Christmas without him! Hindi ko talaga alam kung mapapanatag ako sa ganitong set-up, Raymond? Pabalikin na kaya natin si Adam dito sa Abra? Marami rin namang state universities dito.” Nagsalubong ang kilay ni Papa saka muling binalingan si Mama.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Ariana? You are trying to control our son, and his dreams. Napag-usapan na natin na hahayaan natin siyang maging malaya na gawin ang gusto niyang gawin sa buhay. He is old enough at kung may problema naman sa Maynila ay agad na tatawag sa atin iyon.” Natahimik si Mama sa sinabi ni Papa.
Ilang saglit ay huminga nang malalim si Papa saka sumusukong tumingin sa amin. Ramdam niya siguro ang pagiging matamlay namin ni Mama.
“But I have a plan, if we can’t bring him here, then we can go to him, what do you think?” Sabay na nagliwanag ang mukha namin ni Mama nang mga oras na iyon.
Napagkasunduan naming lahat na hindi sabihin kay Kuya ang pagbisita namin sa kanya. Me and Mama were super excited. Lilipad kami patungong Maynila sa gabi bago ang bisperas ng Pasko at mag-stay raw muna kami sa hotel at kinabukasan namin pupuntahan sa condo si Kuya.
Walang mapaglagyan ang saya ko habang nakasilip sa bintana ng eroplano. Hindi ito ang unang beses ko sa eroplano ngunit ito ang unang beses kong makita ang mga lugar mula dito sa taas ng gabi. Lalo akong na-excite nang makita ang mararaming ilaw sa baba at ang nagtataasang buildings doon.
Ito ang unang beses kong makakarating sa Maynila at talagang nakakamangha ang paligid. Masasabi kong malaki talaga ang pagkakaiba dito kaysa sa probinsya namin sa Abra.
Pagkalabas sa airport ay may sumundo sa amin para dalhin kami sa pinakamalapit na hotel. I was shocked with the surroundings. Parang bigla akong nalula dahil sa dami ng mga tao doon kahit gabi na. May kaingayan din ang paligid, malayo sa payapa at tahimik na lugar sa amin lalo na ngayon at malapit na ang hating-gabi.
Sinikap kong matulog kahit pakiramdam ko ay hindi naman talaga ako makakatulog sa excitement na makita si Kuya Adam bukas. Sa wakas, after how many months of being apart, magkakaharap na ulit kaming dalawa. Sa isip ko pa noong mga oras na iyon ay hindi ako makapaghintay na mayakap siya nang mahigpit.
Handa akong makinig sa lahat ng kwento niya sa lahat ng naging karanasan niya dito sa mga naunang buwan. Ni hindi manlang dumako sa akin ang takot na baka mas lalo niya akong hindi pansinin o tignan manlang ngayong nandito ako.
I hated that part of myself. I was so optimistic and I never tried to look for the negative side of the person, lalo na kung kay Kuya Adam. For me, he is the perfect brother that I could have. He is a loving person to me. Hindi ko na sinasama ang mga naging away namin o itong hindi niya pagpansin dahil iniisip ko lang palagi na kasalanan ko kung bakit magagalit sa akin si Kuya Adam.
Ramdam ko ang kaba habang nasa sasakyan kami ng umagang iyon. Papunta na raw kami sa condo ni Kuya. Medyo matagal pa nga raw ang biyahe dahil malayo daw mula sa hotel namin ang condo ni Kuya.
I tried diverting my nervousness on the surroundings. I was amazed of all the things I was seeing. Ang dami kong nakikita na wala sa Abra at parang nagugustuhan ko na ang lugar na ito. Gusto kong tumira rin dito o dito na rin mag-aral para makasama na rin si Kuya.
When we reached the building, parang namamawis ang kamay ko sa matinding kaba. In a few minutes, makikita ko na ulit si Kuya Adam. Pakiramdam ko ay nakalimutan ko ang lahat ng nasa isip ko kanina at kagabi sa kung paano ko siya i-a-approach.
Hindi ko rin mapigiling mainis sa sarili ko noon dahil dati naman, sobrang kumportable ako kay Kuya pero ngayon para akong matataranta kapag nagkita kami.
Ganoon na lang ang gulat ni Kuya Adam nang makita si Mama at si Papa sa likod ng pinto nang pagbuksan niya kami. Natatakpan ako nila Mama kaya hindi ko pa gaanong nakikita si Kuya Adam pero naririnig ko na ang boses nito.
“Ma, Pa? Wow, bakit kayo nandito?” Ramdam ko gulat sa boses ni Kuya Adam. Lalo akong kinabahan.
Tinapik ni Papa ang balikat ni Kuya at niyakap naman siya ni Mama. Doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tuluyang makita ang mukha ni Kuya. Halos mahigit ko ang hininga ko nang magtama ang tingin namin ni Kuya. Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko at tila nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ko na alam kung lalapit ba ako sa kanya o kahit ngingiti manlang!
Napansin ko ang mabilisang pagbabago ng itsura nito ngunit agad niya ring binalik ang ngiti sa kanyang mukha.
Humiwalay si Mama sa kanya at humarap sa akin.
“Oh, Eva, hindi mo ba lalapitan ang Kuya mo? Akala ko ba miss na miss mo na ang kapatid mo?” Muling sumikdo ang puso ko. Hirap na hirap ako na gumalaw mula sa pagkakatayo para lapitan si Kuya.
Pansin ko ang pagseryoso ng kanyang mukha nang unti-unti akong lumapit sa kanya. Nakit ako rin ang pasimple nitong paghagod ng tingin sa kabuuan ko bago ito naglakad na rin palapit sa akin.
Pakiramdam ko ay maiiyak na ako nang niyakap niya ako. Wala siyang sinasabi. Tanging yakap lang ang ginawa niya sa akin at makaraan ang ilang segundo ay bumitaw na ulit. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang talikuran niya ako at nakangiting kinausap si Mama.
Para akong hangin doon dahil mula noong nagkatinginan kami kanina ay hindi na muli nasundan iyon. Tila sinasadya niyang iwasan ang gawi ko at tanging kila Mama at Papa lang nakatingin.
Nang matapos kaming kumain para sa bisperas ay natulog na rin sila Mama kaagad. Mabuti at dalawa ang kwarto sa condo ni Kuya. Sila Mama at Papa ang nasa isa at sinabi nila na kay Kuya na sa kwarto na niya ako matutulog.
Lalo kong naramdaman ang hapdi sa pagkatao ko nang makita ko sa mukha ni Kuya ang pagtutol ngunit hindi niya isinatinig iyon. Kaya naman nang maiwan kami sa sala ay doon ako naglakad ng loob na kausapin siya.
“Kuya Adam...” Napahinto ito sa paglilinis ngunit nanatili siyang nakatalikod sa akin. Parang kusang kumilos ang katawan ko at naglakad ako palapit sa kanya. I slowly hugged him from the back and started crying.
Tahimik akong umiyak at tila nilalabas ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya mula pa noong mga nakaraang buwan. Nabigla ako nang marahas niyang tinanggal ang kamay ko mula sa kanya at dumistansya sa akin.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang disgusto sa ginawa ko. Lalo akong napaiyak.
“Stop crying!” mariing bulong niya. He was like stopping himself from bursting out. Siguro kung kaming dalawa lang talag ang nandito at hindi natutulog sila Mama ay kanina niya pa ako nasigawan.
“Kuya, what happened to you? Are you mad at me?” Nakita ko ang pagdaan ng iba’t-ibang emosyon sa mukha nito ngunit nangibabaw doon ang matinding galit. Napayuko ako dahil hindi ko makayanan ang intensidad niyon.
“You really just can’t understand it don’t you? Sinong hindi magagalit sa iyo kung napakakulit mo? Ang tigas ng ulo mo, Eva!” Kahit labis na nagtataka ay naiyak na lamang ako habang nakayuko. Questions started to cloud up my mind again.
Why? Ano bang ginawa ko? I promise, I don’t really know what I did to him para magalit siya ng ganito sa akin. Hindi naman siya nagagalit ng ganito sa akin noon kahit medyo malala na ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Pero bakit ngayon? Bakit parang napakalalim ng nagawa ko para magalit siya ng ganito sa akin?
“Kuya, I don’t understand. What did I do? Bakit ka nagagalit sa akin, Kuya?” Halos mapatalon ako nang padabog nitong binagsak ang kamay sa lamesa. Binitawan niya ang basahang hawak niya at mahigpit akong hinawakan saka dinala sa kwarto niya.
“K-Kuya, please stop. You’re hurting me...” Lalo akong napaiyak nang halos itapon niya ako papasok ng kwarto niya.
“Matulog ka na lang diyan at please lang, stop crying! Mamaya mamaga pa ang mata mo niyan kinabukasan!” Tahimik akong umiyak habang nakatingin kay Kuya Adam. Ramdam ko pa rin ang sakit ng paghigit niya sa aking braso.
“Don’t ever try to be near me again. Don’t even bother to talk at me. Huwag mong hintayin na itaboy kita bilang kapatid, Eva. I’m warning you. Stop pushing yourself in my life. My world doesn’t revolve only to you. Kung hindi mo maintindihan iyon then don’t think that we will still have our good relationship as siblings!”
After hearing all of that, I knew that I needed to give up and move on with my life without him. I had to live on my own and start thinking that I never had a brother at all.