Third person’s POV Napasilip sa oras si Adam. He’s waiting for Eva to come home in Abra. Narinig niya sa kanyang mga magulang na bandang alas-otso ng umaga ay makakarating na si Eva sa bahay nila sa Abra dala ang wedding gown ng kanyang fiancée na si Jazcel at ang susuotin nilang pamilya para sa kasal. Napakunot ang kanyang noo nang makaramdam ng kakaibang kaba sa puso niya. He felt nervous all of a sudden. Gustong-gusto niyang tawagan si Eva dahil pasado alasnuebe na pero wala pa rin silang natatanggap kahit text manlang mula kay Eva na papunta na ito sa bahay. He understood why she’s not texting him at tanging sa mga magulang lang ito nagsasabi. Hindi niya magawang magtanong nang magtanong sa Mama niya dahil baka may isipin na naman ang mga ito na kakaiba. Palihim na lang itong nakik

