“P-Papa, paano ka nakapasok?” Napatayo si Adam mula sa kama habang ako ay napaupo. Lalong nandilim ang mata ni Papa. Kaagad niyang sinugod si Adam ay sinuntok sa mukha. Napatili ako nang bumagsak si Adam sa sahig. “Mas importante pa talaga iyon?! Iyan ang una mong naisip matapos ko kayong mahuli?! Baka nakakalimutan mo, Adam, I brought this condo unit and I have all the spare keys of every d*mn doors here!” galit na galit na sabi ni Papa. Dahan-dahang bumangon si Adam. Marahan niyang pinunasan ang kaunting dugo sa kanyang labi. Inangat niya ang kamay niya habang nakaharap kay Papa. My body is shaking when Papa’s eyes directed to me. Napausog ako sa dulo ng higaan nang magmartsa ito palapit sa akin. Adam immediately covered me bago pa ako masaktan ni Papa. Nag-uunahang tumulo ang mga luh

